┌─── ∘°❉°∘ ───┐
taekook au wherein;
jungkook and taehyung loves to fight
but an interesting twist changes everything
└─── °∘❉∘° ───┘
dedicated to our birthday unnie: JeonBearBaby
third person's pov
"good morning, mr. kim." nakangiting tiningnan ni taehyung ang empleyadong nasalubong nya. "good morning, yeonjun-ah." bati nya rin pabalik bago tuluyang sumakay ng elevator.
pakiramdam nya ay sobrang ganda ng mood nya ngayong araw. maaga syang nagising at in-enjoy ang free time nya sa pamamagitan ng pagtambay sa balcony ng unit nya, hinihintay na tuluyang sumikat ang araw.
ganun nya sinimulan ang araw nya kaya tunay namang napakaganda ng mood nya. lahat ng nasasalubong nya ay nahahawa sa positive aura na pumapalibot sa kanya dagdag pa ang boxy smile nya.
"wait!! hold the door for me!!" pakiramdam ni taehyung ay nabasag ang positive aura nya nung marinig ang sobrang pamilyar na boses na yun.
inangatan nya ng kilay si jungkook na tumatakbo papunta sa elevator bago sya balewalang sumandal sa elevator wall. ni hindi nya pinigilan ang pagsara ng elevator para makapasok ito.
tss, sino naman may gustong makasabay sya? boses nya pa lang, sirang-sira na yung araw ko -_-
"shit. did he just---that bastard.." asar na reklamo ni jungkook nung tuluyang sumara ang elevator at di man lang sya nakapasok dun. tandang-tanda nya ang pag-angat ng isang kilay ni taehyung na parang nang-aasar pa.
bored syang nag-abang sa pagbukas ng iba pang elevator. nung makarating sya sa department nya ay pabagsak nyang binaba ang gamit nya sa mesa nya na kumuha sa atensyon ng mesang katabi nya.
nagpanggap si taehyung na walang naririnig at tahimik na binuksan ang computer nya. "such a brat.." bulong ni jungkook bago ihubad ang coat nya at ipatong sa upuan nya.
"di ko kasalanang late ka." balewalang sagot ni taehyung. "at makakatulong po sana kung di nyo 'ko pinagsarahan ng elevator.." peke ang ngiting sagot ni jungkook.
"tinamad gumalaw yung kamay ko.." sagot muli ni taehyung habang nag-ta-type sa keyboard. naka-focus lang ang mga mata sa screen ng computer.
"ah, talaga ba?" pabarang sagot ni jungkook sabay irap. umupo sya sa harap ng computer nya at nagsimulang gawin ang mga naiwan nyang trabaho kagabi.
napailing na lang si jimin na nakarinig at nakanood sa almusal ng dalawa. dumiretso sya papunta sa opisina ng boss nila dala ang ilang files na hinihingi nito.
"mr. kim, sigurado ka na po ba sa desisyon mo?" tanong ni jimin habang pinapanood ang pag-scan ni namjoon ng mga files na binigay nya. tiningnan sya nito habang kunot-noo.
"desisyon sa?" tanong nito. "yung pagsasama po nila jungkook-ssi at taehyung-ssi sa isang project. sigurado po ba kayong sila yung pagsasamahin nyo? ayos lang naman po kung si hobi hyung at si jungkook o kaya si jinnie hyung at si taehyung." pag-sa-suggest nya kaya natawa ng mahina si namjoon.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Random➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...
