third person's pov
"love, what's wrong?" napalingon si taehyung kay sungyoon nung umupo ito sa tabi nya. binaba nito ang phone nito sa mesa saka inakbayan si taehyung. "a-ah, none. nothing, love." ngiti nya saka muling tumingin sa tv.
napatingin sya sa phone sa mesa nung muling umilaw yun. napabuga na lang ng hangin si sungyoon bago halikan sa pisngi si taehyung. tumayo ito habang sinasagot ang tawag. niyakap ni taehyung ang unang nasa hita nya at bored na tumingin sa pinapanood nila.
maya-maya lang ay nahuli nya na lang ang sariling nakatingin na naman sa malaking bintana sa tabi lang ng tv nila. madilim na sa labas at makikita rin sa orasan sa taas na mag-aalas-diyes na ng gabi.
" "one more word, jeon. gumawa ka ng essay---"
"noo! i can do it later. ayaw mo ba'kong kasama sa pagbe-bake? gusto ko lang namang manood--"
"manonood ka lang naman pala eh bakit di ka na lang lumayas at gawin ang assignment mo?" angat ang isang kilay na tanong ni taehyung. naka-pout na yumakap si jungkook kay taehyung at hinalikan ang gilid ng labi nito.
"i want to spend more time with you. lagi kang busy sa pagpipinta kaya wala ka ng oras sakin. ako, kaya kong humanap ng oras para makasama ka sa free time mo, gaya na lang nito. marami pa namang oras mamaya at bukas para sa assignment, hun. hmm?" paliwanag nito na kinalamlam ng mga mata ni taehyung.
wala sa sariling yumakap sya dito at pinahinga ang mukha nya sa balikat nito. "i'm sorry if i can't spend more time with you, bun. para sa future naman natin yun, diba?" tanong nya habang hinahaplos naman nito ang likuran nya.
"i understand, hun. lagi kitang iintindihin, di ako mapapagod at magsasawa. i will always make time for the two of us while we're studying for our future." bulong nito na kinangiti nya.
humarap sya dito at hinalikan ang labi nito. "i am so lucky to--"
"no, i am the one who's lucky to have you, hun." pagputol nito sa sinasabi nya na kinatawa nya ng mahina. tinitigan nya ang mga mata nito na nakatitig rin sa kanya.
'you're all i need, jungkook..' "
natawa ng mahina si taehyung at mabilis na pinunasan ang luha nyang nagbabadyang tumulo. pinause nya ang movie saka tumayo diretso sa banyo. naghilamos sya ng mukha bago tingnan ang sarili nya sa salamin.
you're all i need.... you're still the one i need.
napapikit na lang sya ng mariin habang nakahawak ng mahigpit sa sink. "love?" agad nyang inayos ang sarili nya bago buksan ang pinto. naabutan nyang inaayos ni sungyoon ang mga gamit nito.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Acak➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...