[KEEP ME]❀

562 19 4
                                    

dedicated to: JudyAnnHamor

┌─── ∘°❉°∘ ───┐

taekook au wherein,
kim taehyung made the biggest
mistake of his life by hurting jeon jungkook.

└─── °∘❉∘° ───

"i miss you.." - kim
"you let me go.." - jeon

third person pov

"are we fine?" taehyung asked as jungkook chuckled rather forcefully. taehyung stared at him while jungkook tried to look away. "are we? answer your own question, kim. i think you knew it better than i do." sarcastic na sabi ni jungkook kaya napahinga ng malalim si taehyung.

"why are you being like this? i am trying to clear the air between us. di ka ba pwedeng maki-cooperate?" tanong nya sa asar na tono. muli ay nilingon nya si jungkook na tahimik na nakahawak sa railings habang nakatingin sa malayo. halatang malalim ang iniisip nito at halata rin sa mga mata nito na may gusto itong sabihin na pinipigilan lang nito.

"do i need to cooperate until this moment, kim?" tanong ni jungkook matapos ang mahabang katahimikan. nilingon nya si taehyung at tiningnan diretso sa mga mata. halatang-halata ang pagiging clueless ni taehyung na kinatawa ng pagak ni jungkook.

playing dumb.

"what do you mean? pwede bang magpaka- straight to the point ka na lang? ang hirap mong intindihin, alam mo ba yun? kaninang umaga ka pa ganyan na maski ang mga hyungs ay sinusungitan mo. anong kasalanan ng mga taong yun sayo? ako? anong ginawa ko sayo? bakit ganyan kasama ang ugali mo mula pa kanina? tinuin mo yang sagot mo, jeon. sinasabi ko sayo." nagtitimping sabi ni taehyung kaya naglayo ng tingin si jungkook.

ayaw nyang sabihin diretso dito ang nalaman nya dahil natatakot sya sa kumpirmasyong makikita nya sa mukha nito. kahit sinasampal na sya ng katotohanan ay ayaw nya pa ring maniwala kaya pinipigilan nya ang sarili nya. masakit. sobrang sakit at ayaw nyang makita sa mga mata ni taehyung ang katotohanan.

"kelan mo ba'ko inintindi, hyung?" bahagyang napatigil si taehyung sa simpleng tanong na yun. mas nangunot ang noo nya saka napahinga ng malalim. "anong klaseng tanong yan? mas pinapalabo mo lang yung usapan na'to, jeon. ang tanong ko lang ay anong problema mo? saan-saan ka lumiliko." clueless at asar na sabi ni taehyung.

"di mo masagot diba? kasi kahit kelan ay di mo naman ako inintindi. wala ka namang pakialam sakin lalo na sa nararamdaman ko, diba? actually lahat kayo, lalong-lalo ka na. puro sarili nyo lang ang iniisip nyo komo nasa taas kayo. komo mas mababa ako sa inyo." mapait at madiing sabi nito kaya mabilis na hinila ni taehyung ang braso nito para maiharap ito sa kanya.

kitang-kita nya ang sakit sa mga mata nito na pilit pa rin nitong iniiwas sa kanya. nakuha pa nitong alisin ang kamay nya saka umatras palayo. "wag ---- wag na wag mo'kong h-hahawakan.." nanginginig ang boses na sabi nito na labis na kinabahala ni taehyung. halatang konti na lang ay iiyak na ito, bagay na di kakayaning makita ni taehyung.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now