third person's pov
"bakit napakarami mong pasa at sugat?" tanong ni taehyung habang nakatingin sa mukha ni jungkook. naka-baby blue itong sweater at naka-jogger kaya di nya alam kung pati ba sa katawan nito ay may mga sugat at pasa ito.
nag-iwas ito ng tingin. "ano bang ginagawa mo dito?" tanong nito habang binababa ang sleeves ng sweater nito. napansin ni taehyung yun kaya hinablot nya ang kamay nito at hinila paangat ang sweater.
"j-jungkook..." nanlalaki ang mga matang tiningnan nya ang nakayukong si jungkook. mabilis nitong hinila ang kamay nito sa pagkakahawak nya at muling binaba ang sleeves nito. "umalis ka na." madiing sabi nito sa nanginginig na boses.
"no." sabi nya saka nakuha pang pumasok sa loob ng bahay. di na sya naghubad pa ng sapatos at nagdire-diretso na sa second floor. "saan ang kwarto mo?" tanong nya dito pero umiling ito.
"ano bang kailangan mo, taehyung? umalis ka na bago pa---" jungkook
"---'ko makita ng parents mo?" tanong nya saka nag-cross arms. nanlaki ang mga mata nito dahil sa narinig.
"pano mong---" jungkook
"sila ang may gawa nyan sayo, diba? sinasaktan ka nila, inaabuso, binubugbog tapos ayan! may mga sugat ka pa mula sa sigarilyo. sila yung kinakatakutan mo nung araw na umiyak ka, diba?" gigil nyang sabi habang nakahawak sa pulsuhan nito. muli nitong hinila yun palayo sa kanya at nakuha pang umatras palayo.
"ano naman ngayon? bakit ka ba nandito? ayaw mo nun, wala ng mambubully sayo pwede bang umalis ka na? hindi ko kailangan ng awa mula sayo, kim--"
hinila nya ito at niyakap. sinubsob nya ang mukha nito sa balikat nya. kahit na pinipilit nitong magtapang-tapangan sa harap nya ay kitang-kita nya rin kung gano ito kapagod, kahina at katakot. kita nya sa mata nito na gusto lang nitong mapaalis sya agad na hinding-hindi nya susundin.
"like what you've said. i'll miss you, kook. fuck, jungkook. nanahimik lang ako ng isang linggo pero nag-aalala na'ko sayo. bigla ka na lang nawala ng walang sabi-sabi. kundi ko pa nalaman kay prof kim yung tungkol sa term paper ay hindi nya pa masasabi yung totoong nangyayari sayo." bulong nya habang hinahaplos ang likod nito.
"y-you should've told me, kook. even though were not ina great terms, i will gladly help you--"
napatigil sya nung marinig ang paghikbi nito pati na ang pagyakap nito sa kanya na parang bata. "h-hyung.." bulong nito kaya napangiti na lang sya ng maliit at hinalikan ang sintido nito.
"hyung's here, koo. where's your room?" bulong nya sa malambing na boses habang nakayakap pa rin ito sa kanya. inangat nito ang mukha nito at tinuro ang isang gray na pinto. yumakap sya sa bewang nito at inalalayan ito papunta dun.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Random➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...