[SAVE ME] pt.4

335 23 11
                                    

third person's pov

"weird.." sabi ni jimin habang umuupo sa tabi ni taehyung na busy sa pagkain ng noodles. ngumunguya itong tiningnan ni taehyung at inangatan ng kilay. "one week ka na yatang walang sugat at pasa, tae?" sabi nito kaya napatigil sa pagnguya si taehyung.

"nireport mo na si jeon? aba'y mabuti naman." sabi rin ni suga kaya umiling si taehyung. "no, di ko rin alam kung bakit nawawala sya." sabi nya at kahit di man sabihin nila suga ay nakitaan nila ng pag-aalala ang tono nito.

"you should be happy, tae. wala ng mambubully sayo." sabi ni jimin kaya tahimik na lang na tumango si taehyung at nagpatuloy sa pagkain nya.

nung matapos ang lunch break ay dumiretso na sila sa susunod nilang klase. tamad na tamad na umupo si jimin sa tabi ni taehyung.

"sa lahat ng subject natin ay yung professor lang na'to yung kinatatamaran at kinaiinisan ko." sabi ni jimin kaya wala sa sariling sumang-ayon si taehyung.

"malamang. sino bang di mababadtrip kay prof lee? walang consideration sa lahat ng bagay. tignan mo nga at di man lang kinonsider yung term paper ni tae. bigayan pa'mo ng grades sa kanya ngayon." sabi ni suga na kinakaba ni taehyung.

"siguradong ito yung subject na hihila sakin pababa." sabi ni taehyung saka binagsak ang mukha nya sa desk. "mahihila pa yan ng iba mong subject, tae. di ka mawawala sa dean's list, maniwala ka sakin." sabi ni jimin habang hinahaplos ang likod ni taehyung.

maya-maya lang ay natahimik sila dahil sa pagpasok ni prof lee. "i'll show you your grades now. isa-isa kayong lalapit dito sa mesa ko para makita nyo ang final grade nyo." sabi nito habang inaayos ang laptop nito.

isa-isa na nitong tinawag ang mga kaklase ni taehyung hanggang sa umabot sa kanya. "kim taehyung." pagtawag nito sa kanya na mas kina-nerbyos nya. naglakad sya palapit dito at yumuko para makita ang marka nya.

1.25?! how come?! (⊙_☉)

nanlalaki ang mga matang tiningnan nya si prof lee na nakatingin rin sa kanya. "s-sir--how--" di nya alam kung pano itatanong ang bagay na gusto nyang malaman. para syang natuod sa kinatatayuan nya habang nakatitig sa final grade nya.

"oh, is it about the term paper?" tanong nito na mabagal nyang tinanguan dahil di pa rin sya makapaniwala sa grado nya.

"professor kim sent me a copy of your term paper, saying that he wanted to help you. mukhang nalimutan nya lang sabihin sayo. matataas ang scores mo sa quizzes, activities, projects at recitation. dahil naipasa agad yung term paper mo at maganda pa ang pagkakagawa ay mataas ang final grade mo sakin." paliwanag nito pero parang nagpa-process pa ang lahat kay taehyung.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now