koo morning~~~
┌─── ∘°❉°∘ ───┐
taekook au wherein;
taehyung, a flower shop owner, loves
to arrange flowers and listen to
jungkook's sweet messages to be
given to jungkook's lover.└─── °∘❉∘° ───┘
plot made by: Ace_Taegguk090130
third person's pov
"you're late, chim!!" agad na reklamo ni taehyung nung makita ang pagpasok ni jimin sa flowershop. agad na lumapit si jimin dito at niyakap ang bewang ng kaibigan. "i'm sorry, tae~~~ nasermunan ako nung may-ari ng apartment. nalimutan ko kasing magbayad last month." awkward na paliwanag ni jimin kaya napailing na lang si taehyung.
"di na'ko magugulat kung bigla ka na lang masisipa paalis ng apartment na yan. magpalit ka na ng damit. pakiayos na rin yung bagong deliver na bulaklak, kausap ko kasi si joonie hyung. nagpapa-deliver ulit ng bulaklak kay jinnie hyung, halatang nag-away na naman." kwento ni taehyung na tinawanan ni jimin.
"wala ng bago don." sabi nito saka na pumunta sa backroom para magpalit ng damit.
maya-maya lang ay nagkanya-kanya na sila ng trabaho. limang buwan pa lang mula nung magsimula ang shop pero nakikilala na ito sa lugar dahil sa maayos na service at sa magandang uri ng bulaklak na ino-offer sa lugar.
dahil nga limang buwan pa lang ito ay isang tauhan lang muna ang kinuha ni taehyung para maging alalay nya sa shop. nung mag-post sya ng hiring ay agad nyang nakuha at nakilala si jimin. mabilis silang nagkasundo at ngayon nga ay halos magkapatid na ang turingan ng dalawa.
"chim! bili ka muna ng merienda." utos nya habang nakaupo sa counter. agad na lumapit sa kanya si jimin. "sa dating bilihan na lang, noh?" sabi nito habang hinuhubad ang apron nitong parte ng damit nila sa shop.
"oo, bilisan mo." sabi nya at pinanood ang paglabas nito sa shop. nagpatuloy sya sa paglilista ng mga bulaklak na na-receive pati na ang nabenta nila para sa araw na yun.
umangat ang tingin nya sa pinto nung marinig nya ang pagtunog ng bell sa taas nun. napaawang ang bibig nya at napatigil sa pag-ta-type nung makita ang lalaking kapapasok lang.
nakatingin ito sa paligid na para bang sinusuri ang lugar bago napatingin sa kanya. napalunok sya ng wala sa oras nung magtama ang mga mata nila. agad itong ngumiti at lumapit sa kanya.
"hi." bati nito kaya napakurap sya. "hello?" sagot nya na bahagya nitong kinatawa.
"can i ask for a flower arrangement?" tanong nito at dun ay bumalik si taehyung sa sarili nya. namumula ang mukhang nagyuko sya ng ulo. "y-yes, sir. you can walk around and choose your flowers." sabi nya saka muli itong tiningnan.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Random➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...