third person's pov
"chiminie!!!!!" sigaw ni jungkook na bumulabog sa napakaaliwalas na umaga na yun. humihikab syang naglakad pababa at nung makita nya si jimin ay agad syang yumakap dito at sinubsob ang mukha nya sa balikat nito..
"good morning, chim." malambing nyang bati habang nakayakap sa bewang nito. "good morning to you, too, mr. jeon." agad na napadilat si jungkook nung marinig ang boses ni seokjin.
"chim?" bulong nya kaya napahinga ng malalim si jimin. "oo, nandito sila at nahanap ka na nila." sabi ni jimin kaya dahan-dahang kumalas ng yakap si jungkook at humarap sa mga bisita nila.
napaatras sya ng konti nung makita si taehyung na nakaupo sa single sofa, napaka-presentable nitong tingnan pero mahahalata ang kaba nito dahil sa di mapakaling kamay nito, dagdag pa ang ilang beses nitong paggalaw sa kinauupuan nito.
nandun din sina namjoon, jin, suga at hoseok na kapwa nakatingin sa kanya. agad syang yumakap sa bewang ni jimin at inaantok na bumulong dito. "gutom na'ko." sabi nya kaya bahagyang tiningnan ni jimin si taehyung na nakatitig sa kanila. agad din itong nag-iwas ng tingin nung mahuli nya.
bahagya syang tumikhim dahil sa pagiging clingy ni jungkook. sanay na sila jin, namjoon at suga sa ganung ugali ni jungkook lalo na kay jimin. mahahalata naman ang pagtataka sa mukha ni hoseok dagdag pa ang blangkong mukha ni taehyung.
"ahm, hyung, kumain muna tayo ng breakfast. di nyo makakausap ng matino tong spoiled brat na'to kapag gutom." pag-aaya nya saka hinila si jungkook papuntang dining.
sumunod naman sa kanila ang dalawa at naabutang nilalagyan ng pagkain sa plato ni jimin si jungkook. umupo rin si jimin sa tabi nito, sobrang close na parang mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan nila.
nagsipag-upo na rin ang lahat at kumain. habang kumakain ay nagsimula ng topic si jin dahil mahahalata ang bigat ng atmosphere sa paligid.
"so, mr. jeon, kailan ang balik mo?" tanong ni jin na kinalingon sa kanya ni jungkook.
"hyung, mukha ba'kong may balak?" tanong ni jungkook na kinatahimik ng lahat. "i am living fine and happy here." sabi nito saka muling bumalik sa pagkain.
"kailangan mong bumalik." sabi ni namjoon.
"para saan ba, hyung? wala naman akong naiwan dun, diba--" jungkook
"ako. babalewalain mo?" tanong ni taehyung na kinasamid ng lahat. binitiwan ni taehyung ang kutsara nya bago punasan ang bibig nya.
tiningnan nya si jungkook maski ang katabi nitong si jimin na agad nagtaas ng kamay. "pinsan nya lang ako, wag kang ganyan. kanina pa'ko natatakot sayo, eh." kabadong sabi nito kaya bumalik ang tingin ni taehyung kay jungkook.
"jeon, mag-usap tayo sa taas." sabi ni taehyung habang tumatayo. di kumibo si jungkook at nanatiling nakatingin sa pagkain nya. "jeon jungkook." nauubusan ng pasensyang sabi ni taehyung.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Sonstiges➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...
