third person's pov
"tae, i brought flowers and sweets because i heard how much you love---" jungkook
"well, kung galing sayo, itatapon ko lang yan." sabi ni taehyung na di man lang tinapunan ng kahit konting tingin si jungkook. pinigilan ni jungkook na sigawan ito, ayaw nyang pakitaan na naman ito ng pangit na ugali dahil mas lumalayo ito sa kanya.
"strawberry flavor--" jungkook
"still no. just give it to someone who'll take it wholeheartedly. masasayang lang sakin yan." sabi nito kaya bagsak ang balikat na binaba ni jungkook ang mga hawak nya. pakiramdam nya ay nabura ang excitement at saya nya.
ilang beses at paulit-ulit nyang sinusubukan na mapalapit kay taehyung. ilang linggo na itong nasa hq at kahit alam nyang hinahanap na ito sa labas ay wala syang pakialam. kahit alam nyang magkakaproblema sya sa dad nya, wala syang pakialam. kahit sinusungitan, tinatarayan, sinisigawan o binabato sya ng kung anu-ano ni taehyung ay ayaw nya pa rin itong pakawalan.
gusto nyang kasama nya si taehyung sa isang lugar kahit galit na galit ito sa kanya. kaya nyang tiisin lahat basta nakikita nya ang mukha nito. nakikita nya lang itong tumawa mula sa mga cctv kapag kausap ang mga tauhan nya o ang hyungs nya. para itong tigre kapag sya na ang kaharap. laging galit, laging nakaangil.
"jin hyung told me that you're bored here---" jungkook
"sobra, jeon. sobrang bored ko na dito. wag ka ng magulat kung maabutan mo'kong wala ng buhay dito. nakakasawa na kasi yung set-up natin. wala ka pa bang balak na pakawalan ako? ayoko ng makita yang mukha mo." irap ni taehyung saka binalik ang mga mata nya sa comics na binabasa nya.
napalunok si jungkook sa pagiging harsh ng paraan ng pagsasalita ni taehyung. bakit ba di na sya nasanay? di pa sya pinakitaan ng maayos na ugali nito kahit na anong kabutihan pa ang ipakita o gawin nya dito.
"do you want to go at the seaside---" jungkook
"really?! papayagan mo'ko?!" sabi ni taehyung kaya nabuhayan si jungkook. "yes, love. wait let me fix mysel--" jungkook
"i want jin hyung to accompany me!!" sabi nito at mabilis na tumayo para maghanap ng masusuot.
muli ay nabura ang ngiti ni jungkook dahil di pala sya ang gustong makasama nito. iniwanan nya sa gilid ng kama ang mga pinamili nya sana para dito. pinilit nya na lang ngumiti dahil kahit papano ay nakita nya ang saya sa mata nito nung sabihin nya ang seaside.
"okay! i'll tell jin hyung. i hope you'll be happy there. come back safely, okay?"sigaw ni jungkook lalo na't nasa loob ng shower si taehyung.
hindi na sumagot si taehyung kaya lumabas na si jungkook. niyuko ni taehyung ang ulo nya habang pinapakiramdaman ang shower.
di ba nya ko pakakawalan? ilang beses ko na syang inaway at sinaktan. hindi pa nga magaling yung sugat nya sa pisngi dahil sa pambabato ko ng basag na baso sa kanya. bakit ba----a-ayaw nya kong pakawalan?
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Random➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...