┌─── ∘°❉°∘ ───┐
taekook au wherein;
jungkook and taehyung
were courting jimin's sister,
ami.└─── °∘❉∘° ───┘
"why are you crying?"
"i just realized how dumb i am.."
-kim taehyung & jeon jungkookthird person's pov
"good morning, ami." bati ni jungkook at sinabayan pa ng pamatay na ngiti. maingat nyang inayos ang buhok ng dalagang kaharap na kinapula ng pisngi nito at kinaiwas ng tingin.
"good morning, pretty ami." nagulat si jungkook nung may tumulak sa kanya at pumalit sa pwesto nya. tiningnan nya ang nakangiting si taehyung habang nakatingin kay ami na halatang nagulat din.
"what the fuckin hell, taehyung, jungkook?! bakit nyo tinatakot yung kapatid ko? gusto nyo bang pag-untugin ko kayo?" sulpot ni jimin at mabilis na niyakap ang kapatid nya.
"sisihin mo si kim, masyadong papansin." irap ni jungkook kaya nakangisi itong tiningnan ni taehyung.
"ah, talaga ba? naaasiwa kasi ako sa galawan mo, ang sakit sa mata, eh." sabi ni taehyung at umarte pang nandidiri.
"masakit ba sa mata yung namula ang pisngi ni ami? eh ikaw? tinakot mo." sabi ni jungkook habang nakatingin kay taehyung.
"sya lang yung nahiya para sayo kaya sya namula, jeon. kahiya-hiya kasi talaga yung galawan mo. yuck~~" irap ni taehyung.
"gahd, tumigil na nga kayong dalawa. pumasok na kayo sa mga klase nyo." sabi ni jimin na syang pinakamatanda sa lahat.
"pero chim---" taehyung
"no. may klase kayo ngayon sa economics, diba? aba, galaw-galaw." sabi ni jimin at tinulak paalis ang dalawa. bago pa man makalayo ang mga ito ay sabay pang lumingon kay ami na nanatiling tahimik lalo na't katabi nya ang kuya nya.
"see you later, babe!" jungkook
"babe, amputa. nakakadiri ka, jeon. calling someone babe when she's not even yours." sabi ni taehyung at mahinang tinulak ang balikat ni jungkook.
ngumiti sya kay ami at kumaway. "see you later, pretty ami! take care!" sweet nyang sigaw at kinindatan pa ito kaya ngumiti ito at kumaway pabalik.
"see? talo ka na naman, jeon." ngisi ni taehyung kaya umangat ang gilid ng labi ni jungkook. "you're a weak opponent, kim. i don't mind giving your moment now." sabi ni jungkook saka pa nagkibit-balikat.

YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Random➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...