[MIDNIGHT RAIN]❀

587 18 4
                                    

┌─── ∘°❉°∘ ───

taekook au wherein;
kim taehyung chose his dreams over
his fiancé, jeon jungkook.

└─── °∘❉∘° ───

(super long oneshot almost 10K >,<)

{idea from midnight rain by taylor swift}

"i-i love you.." -kim th

"as 'taesung', right?" -jeon jk

dedicated to our LET passer freyanatics

third person's pov

"tae.." bulong ni jungkook nung tuluyang makaharap si taehyung. mabilis na nagpunas ng luha si taehyung nung makita ito. agad na binaba ni jungkook ang bag na nasa balikat nya bago ito lapitan. mabilis nyang hinaplos ang pisngi nito habang pinapatahan ito.

"what's the problem?" tanong nya pero umiling lang ito ng paulit-ulit. "tae, i won't understand you if you'll kept your mouth shut." dagdag pa ni jungkook habang nakahawak sa magkabilang pisngi nito.

nagdilat ng mga mata si taehyung at dun ay nakita nya ang nag-aalalang mukha ng fiance nya. "calm down for me, hmm? let's talk about this, bear. i am here for you." bulong nito habang inaalalayan sya paupo sa sofa. bahagya syang lumayo dito nung tuluyan silang makaupo.

"anong problema, tae?" tanong nito habang nakatitig sa kanya. pinigilan nya ang maluha na naman sa pamamagitan ng paglunok nya ng ilang ulit. iniwas nya ang tingin nya mula dito habang pilit na hinahanap ang boses nya.

"let's end this.." napaawang ang labi ni jungkook sa narinig mula kay taehyung. "a-ano?" di makapaniwalang tanong nya habang pilit na hinaharap si taehyung sa kanya.

"l-let's break up.." sabi muli nito kaya mabilis na umalis sa pagkakaupo si jungkook sa tabi nito. lumuhod sya sa harap nito para makita nya ang mukha nito lalo na't kanina pa ito iwas ng iwas ng tingin.

"why? may mali ba'kong nagawa---"

"you're the most perfect, kindest and purest guy i've met, kook. wala kang maling nagawa --- alam kong hinding-hindi ka gagawa ng bagay na ikagagalit ko o makakasakit sakin.." naiiyak na paliwanag ni taehyung na mas nagpalito kay jungkook.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now