[DONE FOR LOVE] pt.3

274 21 11
                                    

third person's pov

"lapad ng ngiti ni kuneho. daig pa yung naka-score, ah? so, sino bang na-take out mo kagabi?" tanong ni hoseok habang kumukuha ng fries sa tray ni seokjin. "langya na'to, bumili ka nga ng sayo." reklamo ni seokjin saka nilayo ang tray nya sa tumatawang si hoseok.

binaba ni jungkook ang cellphone nya saka nakangiting sumipsip sa juice nya. "inlab si gago." sabi ni hoseok kaya tiningnan sya nina jin at namjoon. agad syang nag-peace sign dahil alam nyang ayaw na ayaw ng dalawa na nakakarinig ng bad words.

"pustahan si ami yan." sabi ni namjoon

"yeah, she is." parang tangang bulong ni jungkook.

"oh, so you're winning, huh?" sabi ni namjoon.

"di naman kumikilos si tae. lagi ko syang nakikita sa music room kausap si jiminie." sabi ni jin na kumuha sa atensyon ni jungkook.

"oo, pansin ko pa ngang laging wala sa sarili yun. nakasalubong ko sya sa hallway kahapon. tinawag ko sya pero parang di nya ko narinig. may problema kaya sya?" sabi ni hoseok kaya napakibit balikat si namjoon.

"sa tingin ko ay may mabigat syang isipin dahil wala na yung happy aura sa paligid nya. para syang buhay na patay. alam nyo yun? yung gumagalaw sya pero parang wala syang buhay?" tanong ni namjoon na tinanguan ng dalawa samantalang tahimik lang na nakikinig si jungkook.

napakurap si jungkook nung may tumamang fries sa mukha nya. "baka naman may kinalaman ka dun, jeon? masasakal kita." sabi ni jin habang angat ang isang kilay. umiling si jungkook at muling bumalik sa pag-iisip.

huling beses na nakausap nya si taehyung ay nung maghabulan at mag-asaran sila sa quadrangle. huling beses nya naman itong nakatitigan ay nung yakap nya sa hallway si ami.

napakalaki ng nagbago dito na tanging si jimin lang ang may alam. lalo na't si jimin lang naman ang laging kasama at kausap nito. "hays, kapagod.." napatingin sila sa umupo sa tabi ni hoseok at nakita si jimin na halos patulog na.

"oh, anyare sayo?" tanong ni jin kaya nagsalumbaba si jimin. "ayoko ng mag-archi, hyung~~~" mangiyak-ngiyak na sabi nito kaya napailing na lang si jin.

"bakit kasi yan yung pinili mo. muntanga ka talaga, eh." sermon ni jin na kinasimangot ni jimin. "oh, absent nga pala ang yoonie ko." sabi ni jimin nung ma-realize na wala sa mesa nila ang boyfriend nya.

"i miss yoonieee~~~~" he whined. napailing na lang ang mga kasama nya sa mesa dahil dun.

"did you saw tae?" tanong ni jimin matapos kumalma. isa-isa nyang tiningnan ang mga kaibigan nya. "tutal nabanggit mo naman na sya..." panimula ni hoseok saka seryosong tiningnan si jimin na wala sa sariling napalunok.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now