┌─── ∘°❉°∘ ───┐
taekook au wherein;
jeon jungkook, a rich famous student loves to bully kim taehyung, a poor one. fortunately, hoseok and suga, jungkook's friends, were always there to save and help taehyung.
└─── °∘❉∘° ───┘
"maski payong hindi mo afford, taehyung?"
-jeon jungkook
"ano bang problema mo sakin, jeon?!"
-kim taehyung
plot credited to: Ace_Taegguk090130
third person's pov
"bear? aalis na'ko, ah? nandyan na sa mesa ang baon mo. magsabi ka lang sakin kung may problema ka, hmm? ingat sa pagpasok, bear." sabi ng nanay ni taehyung nung silipin sya nito sa kwarto. ngumiti naman sya dito habang tumatango. "sige po, nay. ingat din po kayo sa pagtitinda. wag po kayong magpapakapagod at magpapakagutom." bilin nya rin saka ito niyakap.
tuluyan na itong umalis kaya napapahinga ng malalim na umupo sa upuang kahoy si taehyung. dumapo ang mga mata nya sa orasan na nakasabit sa pader ng maliit nilang bahay. mayroon na lang syang trenta minutos para maglakad patungo sa school na pinapasukan nya.
muli ay napabuga na lang sya ng hangin saka na kinuha ang baon nya sa mesa. pinasok nya yun sa bag nya saka sinuot ang paborito nyang jacket. napakalamig ng panahon lalo na't may kadaraan lang na bagyo sa lugar nila. maingat nyang zinipper ang jacket na iniregalo sa kanya ng nanay nya dalawang taon na ang nakakaraan.
sa loob niyon ay isang manipis na t-shirt lalo na't wala naman syang damit na may kakapalan. lahat halos ng damit nya ay luma na at ang iba nga ay maninipis at nangungupas na. alam nya ang katayuan nila sa buhay kaya hindi na rin sya humihiling sa nanay nya ng mga bagong damit o sapatos. sapat na sa kaniyang nakakakain sila at nakakapag-aral sya.
hinipan nya ang kamay nya para kahit papano ay mainitan sya. ilang beses pa syang napapatigil sa paglalakad dahil nagdadalawang-isip pa rin sya kung papasok sya. alam nyang oras na magpasya syang pumasok ay makaka-encounter na naman nya si lucifer.
napailing na lang sya saka na nagpatuloy sa paglalakad. baka ma-disappoint pa sa kanya ang nanay nya kapag nalamang um-absent sya ngayong araw.
nung makatapak sya sa gate ay agad na bumungad sa kanya ang kapwa nya mga estudyante na balut na balot rin ng jacket. napapatitig pa sya sa ilang damit na napaka-fashionable para sa kanya. isa sya sa mga taong adik na adik sa magagandang damit lalo na yung mga branded pero wala sya sa posisyon para mangarap ng ganun.
napailing na lang sya saka naglakad papunta sa second floor kung saan ang classroom nila. alam nyang aabutan na nya sa jimin dun lalo na at palagi itong maaga sa kanya. lagi kasi syang nagdadalawang-isip kung papasok sya dahil sa takot.
nung saktong mabuksan nya ang pinto ay may malamig na tubig na sumaboy sa kalahati ng katawan nya, sapul na sapol ang mukha at dibdib nya. nanlalaki ang mga matang napatitig sya sa taong gumawa nun. nakangising mukha ni jungkook ang bumungad sa kanya, nakatitig sa hitsura nya.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
De Todo➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...
