[SAVE ME]

643 25 15
                                    

┌─── ∘°❉°∘ ───┐

taekook au wherein;
jungkook loves to bully taehyung

└─── °∘❉∘° ───┘

"titigilan mo na ba'ko?"
"you'll miss me but yeah.."
-kim taehyung & jeon jungkook

requested by: kimrysjeon

third person's pov

"taehyungie~~~~" agad na napahinga ng malalim si taehyung nung marinig ang mapang-asar na boses ni jungkook. sinubukan nyang bilisan ang lakad nya pero mabilis na nahablot ni jungkook ang damit nya.

hinila sya nito pabalik at malakas na tinulak sa pader sa ilalim ng hagdan. "tatakasan mo'ko, kim? duwag ka talaga, eh noh?" mapang-asar na tanong ni jungkook.

pinuwesto nito ang isa nitong kamay sa gilid ng ulo nya habang nakangisi sa kanya. nag-iwas na lang sya ng tingin habang mahigpit na nakahawak sa strap ng bag nya.

"wala pa'kong ginagawa pero parang iiyak ka na dyan.." pang-aasar pa nito saka pa hinaplos ang pisngi nya. iniwas nya ang mukha nya kaya humawak ito sa panga nya at pilit syang hinarap dito.

"lalaban ka?" tanong nito nung mapansin ang pagdaan ng asar sa mata ni taehyung. "h-hindi. a-ano bang kailangan mo? may klase ako." bulong niya na halos di na umabot sa pandinig ni jungkook.

"pakilakasan naman yang boses mo. parang kang ipis dyan." sabi nito saka inangat pa ang mukha nya lalo pa't nakahawak pa rin ito sa panga nya. "a-anong kailangan mo?" tanong nya sa mas malakas na boses.

"wag kang magtanga-tangahan, kim. alam mo kung ano ang gusto ko kapag nilalapitan kita." sabi ni jungkook. "p-pero jungkook, hindi pwede---" taehyung

"pwede sakin kaya susunod ka, sa ayaw o sa gusto mo man. mahirap akong kalaban, kim." sabi nito at mas diniinan pa ang pagkakatulak kay taehyung sa pader. "ano? tatanggi ka?" tanong ni jungkook

"j-jungkook... a-ayoko talaga. ako yung mapapahamak---" taehyung

"wala na'kong pakialam dun! sundin mo na lang yung gusto ko! dyan ka naman magaling diba? maging sunud-sunuran sa lahat. teacher's pet!" singhal nito na kinapikit nya ng mariin dahil sa takot at gulat.

"pero jungkook----" naputol na naman ang sasabihin nya nung muli nitong hawakan ang panga nya at mas diniinan ang hawak don. naniningkit ang mga mata at gigil sya nitong tiningnan. "ayaw mo?" madilim ang anyong tanong nito.

humawak sya sa kamay nito dahil damang-dama nya na ang sakit sa loob ng bibig nya lalo na sa panga nya. pilit nyang pinigilan ang maluha sa sakit dahil alam nyang mas hihina ang tingin nito sa kanya pero di nya napigilan ang luha nya nung itulak sya nito ng malakas, sanhi ng pagbagsak nya sa sahig. mabilis syang nagpunas ng luha at kinagat ang pang-ibabang labi nya para di tuluyang maiyak sa harap nito.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now