third person's pov
"tae!!! oh my god!! taehyung!!!" umiiyak na niyakap ni jimin ang walang emosyong si taehyung.
maski pamilya ni taehyung ay ganun ang reaksyon nung makita sya. pinilit nyang pakitaan ito ng saya at excitement pero di nya mapigilang isipin si jungkook lalo na ang napag-usapan nila ni hoseok sa kotse.
"hobi hyung.." napatingin si hoseok sa kanya nung tawagin nya ito. "bakit, tae? may dadaanan ka ba muna bago kita ibaba sa inyo?" tanong nito.
"a-alam mo ba kung nasaan si jungkook?" tanong nya kaya napangiti ito ng mapait.
"hindi, tae pero ang hula ko ay inuwi sya sa jeon's residence. kilala ko ang dad nya, tae. alam kong paparusahan sya nito dahil sa pagpapadukot nya sayo. dapat nga ay damay kaming lahat sa hq dahil tinago ka namin pero mukhang s-sinalo nya lahat. yan talagang bata na yan, napakatigas ng ulo. minsan gusto ko ring kutusan yun para magtanda, eh.." sabi ni hoseok at mabilis na nag-iwas ng tingin dahil mahahalata ang pamamasa ng mata nito.
"gusto mo bang makinig ng kwento tungkol sa kanya? malayo pa ang byahe natin. naririnig ko kasi sa kanya na lagi mo daw syang tinatarayan." bahagyang tumawa si hoseok nung maaalala ang palaging pangungunot ng noo ni jungkook habang bahagyang naka-pout. parang hindi mafia boss kung umasta.
"s-sige. " taehyung whispered as he stares outside the car's window.
"hmm, nakita ka nya nung isang beses na na-stuck kami sa traffic. tumatalun-talon ka nun sa sidewalk habang may kausap sa cellphone. sobrang saya mo nun kaya napatitig sya sayo. tiningnan nya kung saan ka nagtatrabaho at dun ay inaalam nya na lahat ng tungkol sayo. madalas na inuutusan nya kong dumaan sa highway kung saan visible yung shop nyo para makita ka nya." kwento ni hoseok.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Nezařaditelné➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...