(plano kong hati-hatiin pero tinamad ako kaya ihanda nyo na lang ang sarili nyo sa napakahabang chapter na'to, haha.)
┌─── ∘°❉°∘ ───┐
taekook au wherein;
taehyung, jungkook and hyunwoo
were trio. what would happen if two of
them fall in love?
└─── °∘❉∘° ───┘
third person's pov
"JEON JUNGKOOK! WHAT THE--" boses ni taehyung ang maririnig sa hallway na yun dagdag pa ang malakas na tawa ni hyunwoo.
"BUMALIK KA NGA DITONG KUNEHO KA!" malakas pang sigaw ni taehyung habang hinahabol si jungkook na agad kumaripas ng takbo. "ayoko nga kasi!!" sigaw pabalik ni jungkook saka umikot sa puno pabalik kay hyunwoo.
agad nyang ginawang shield si hyunwoo nung akmang pupukpukin sya ng aklat sa ulo ni taehyung. agad na niyakap ni hyunwoo si taehyung saka sinenyasan si jungkook na tumakas na.
"HYUNWOO! NOO!! KAILANGANG MAG-REVIEW NI---" di na natuloy ni taehyung ang sasabihin nya nung tuluyan ng mawala sa paningin nya si jungkook. "hyunwoo naman, alam mo namang kailangan nyang maghabol ng grades ngayon dahil bagsak sya last sem." reklamo nya pa sabay upo sa bench.
"tae, we can't force him. wala ring papasok sa isip nya kung sapilitan ang lahat. hayaan mong maging handa muna sya saka na natin sya pag-review-hin. mahaba pa naman ang araw bago ang midterm para sa second semester." sabi ni hyunwoo saka nagpatuloy sa pagsusulat para sa chemistry class nya.
nagsalumbaba si taehyung at pinanood ang kaibigan. "bakit ba di mo sya naging katulad? almost perfect ka na, eh. athlete, dean's lister, laging pinanlalaban sa competitions, student body, perfect face and attitude. hays, sinalo mo yata lahat kaya naubusan yung kunehong yun." napangiti si hyunwoo at mahahalata ang pamumula ng tenga nito dahil sa komento ni taehyung.
"tae, we can't also change him. yan na sya, okay? wag mo kaming pagkumparahin dahil magkaibigan kami. pangit pakinggan. isa pa, di lang naman ako ang athlete, diba? si kook matagal ng kinukulit ng basketball team at ikaw naman ay hinihitak na sa swimming team pero tanggi ka ng tanggi. si coach na nga ang nagmamakaawa sayo." sabi ni hyunwoo kaya natawa ng mahina si taehyung.
"study first kasi. pero teka---mahirap na hindi kayo pag-kumparahin, hyunnie. si kook, troublemaker tapos ikaw model student. si kook, puro bagsak at kaaway ng teacher, ikaw matataas ang grades at paborito ng lahat. si kook, pangalawang bahay na ang detention tapos ikaw naman sa student council. see the difference?" sabi pa ni taehyung sabay kibit-balikat.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Random➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...
