third person's pov
"bear, sobra na talaga, eh." malungkot na sabi ni jimin habang pinapanood ang pagpupunas ng buhok ni taehyung. di sinasadyang nabuhusan ito ng milkshake ni jungkook kaya heto sila ngayon sa banyo at nililinisan si taehyung.
tumitig sa salamin si taehyung at pinagmasdan ang mukha nya. mula sa gulu-gulo, dikit-dikit at marumi nyang buhok, pababa sa paborito nyang peach sweater na ngayon ay marumi na hanggang sa term paper na nasa sink.
nabuhusan din yung term paper na pinagpuyatan at pinaghirapan nyang tapusin kagabi. napunta lahat sa wala yung pagpupuyat nya dahil na naman sa kagagawan ni jungkook. huli na nung ma-realize nyang umiiyak na pala sya.
ngayon nya lang nailabas yung luhang kanina nya pa pinipigilan. mula sa ginawa ni jungkook kanina, sa ngisi nito, sa pekeng sorry mula dito, sa naaawang mukha ng ilang nakakita sa nangyari at higit sa lahat, sa term paper nya.
pinunasan nya ang luha nya gamit ang sleeves ng sweater nya. maingat nyang nilagay sa gilid ng sink ang marumi at basang term paper nya bago muling maghilamos.
naiiyak na pinanood nina jimin at suga ang kaibigan. gusto man nilang makialam ay wala silang magagawa kung si taehyung mismo ang may ayaw gumalaw. hinaplos ni suga ang likod ni taehyung habang hinahanda naman ni jimin ang small towel para kay taehyung.
"nasayang yung term paper na pinaghirapan ko, h-hyung. wala na'kong ibang copy nyan..." nanginginig ang boses na sabi ni taehyung. sumandal sya sa sink at pilit pinunasan ang tuluy-tuloy na pagbagsak ng luha nya.
i don't want to cry but i can't fuckin help it..
"ngayon na yung deadline nyan, hyung, kay prof lee pa. w-wala pa'mong consideration yung professor na yun----argh! nahihirapan akong k-kumalma.." umiiyak na umupo si taehyung at sinubsob ang mukha nya sa tuhod nya.
di talaga nya matanggap na yung pinaghirapan nya ay napunta lahat sa wala. paniguradong babagsak sya at mawawala sa dean's list. yung hikbi nya ay mas lumakas pa dahil sa ideyang yun. napakatagal nyang pinaghirapan ang mga grado nya para mapabilang sa dean's list, ng dahil lang sa pang-bubully ni jungkook ay masisira ang lahat.
"tae naman kasi. i-report mo na sya. baka mabigyan ka pang chance ni prof lee kapag nalaman nyang si jungkook ang dahilan." sabi ni jimin habang hinahaplos ang basang buhok ng umiiyak na si taehyung.
tahimik na kinuha ni taehyung ang towel at pinunas sa mukha nya. sumisinghot pa sya at halatang-halata ang pamamaga ng mga mata nya. huminga sya ng malalim at pumasok sa isang cubicle para magpalit ng damit.
yung pang-p.e. nila ang pinamalit nya lalo na't wala naman syang extrang damit. hindi rin naman kasi nya inakalang aabot sa ganitong punto si jungkook, para lang sa kagustuhan nito at pagiging selfish nito.
maayos nyang tinupi ang paborito nyang damit bago lumabas. pinasok nya yun sa bag nya at sinabit yun sa balikat nya. bahagya nyang ginulo ang basa nyang buhok at nilingon ang mga kaibigan nya.
"susubukan kong kausapin si prof lee." sabi nya kaya nag-aalala man ay ngumiti pa rin ang mga ito. "pero kapag tumanggi sya, i-report mo na si jeon. kapag di mo pa ginawa ay ako na ang magrereport sa gagong yun at isusumbong ko rin sya kila tito." madilim ang awrang sabi ni suga kaya maski si jimin ay napalayo dito.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Random➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...