{ it's our jungkookie's daayyy!! o(╥﹏╥)o }
third person's pov
"tae, nasabi sakin ni sungyoon na hindi mo daw sinasagot ang mga text at tawag nya. wala ka rin daw madalas sa unit mo. may problema ba, tae?" tanong ni jimin pero mahahalata ang pag-aalala sa mga mata nito.
nasa unit sila ni jimin dahil bumisita si taehyung dito. ilang araw ng hindi matahimik si taehyung sa unit nya hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa paghahanap sa kinaroroonan ng ex-fiancé nya.
"chim.." bulong nya habang nakasandal sa headboard. nakapikit lang sya pero mahahalata ni jimin ang pagpipigil nitong maiyak.
"i feel so damn incomplete.." sabi nito na kinakunot ng noo ni jimin. "may malaking kulang sakin, chim. di ko alam kung pano pupunan yun dahil nawawala sya." sabi pa ni taehyung na mas kinalito ni jimin.
"sya? sinong--"
"jungkook. bun. m-my ex-fiancé." sagot ni taehyung at pagdilat nya ay saktong dumaloy ang luha nya. gulat syang pinanood ni jimin pero nakahuma din naman ito at agad syang niyakap.
"i-i never heard that name before.." di siguradong sabi ni jimin. "i met you after we parted ways." sagot ni taehyung habang sumasandal kay jimin.
"chim, do you wanna listen to our story?" tanong nya na agad tinanguan ni jimin, hindi lang dahil sa curiosity kundi para na rin gumaan ang mabigat na dinadala ng kaibigan nya. kailangan ni taehyung ng masasabihan ng problema nito at handang-handa syang makinig dito.
"i wanna listen, tae. feel free to tell me." malambing nyang sagot dito.
"nagsimula kami bilang magkaibigan nung junior high.."
" "jeon jungkook and kim taehyung, kayong dalawa ang magkapartner sa project na ito." sabi ng teacher nila kaya agad na napatingin si taehyung sa isa nyang kaklase. agad itong tumayo at lumapit sa kanya. napansin nya agad ang ngiti nito pati na ang excitement sa mga mata nito.
"h-hi?" bati nya dito kaya mabilis itong umupo sa tabi nya. "hello!" bati rin nito kaya ngumiti sya dito kahit medyo ilang.
"oh, i am jeon jungkook--uhm, baka lang di mo'ko kilala. nice meeting you, tae.." sabi nito saka pa bahagyang inayos ang buhok ni taehyung na tumatakip sa mata nya.
"uhh, kilala kita, kook. masaya rin akong makapartner ka.." "
"lumipas lang ang isang taon at nagkapalagayan kami ng loob. kilala sya ng pamilya ko ganundin ako sa pamilya nya. close na close nga sila ni dad dahil nagkakasundo sila sa lahat. mas paborito naman sya ni mom at ni noona kesa sakin, mas gusto nilang kasama si kookie.." tumawa ng mahina si taehyung pero mahahalata ang lungkot dun.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Random➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...