third person's pov
"ano, tae? suko na?" tanong ni minho habang nakatingin kay taehyung. pagod na umupo sa bench si taehyung at binaba ang mga plyers na hawak nya. "syempre hindi, noh! hahanap lang ako ng mas maayos na trabaho, yung mas malaki ang sweldo para mas masuportahan ko ang pag-aaral ni taekwan." sabi ni taehyung habang nagpupunas ng pawis.
"part time ko lang tong pamimigay ng plyers. may hinihintay na lang akong tawag kasi may naapplyan ako kagabi--" taehyung
"ano yang trabaho na yan? baka illegal yan, ah? taee~~ ayokong makita kang nasa bilangguan!! hinding-hindi ka bagay don!" agad na sabi ni minho kaya napairap si taehyung.
"matino to, minho hyung. isa pa, hinding-hindi ako gagawa ng illegal para sa pera, noh! napakaraming maayos na trabaho dyan." sabi ni taehyung kaya napa-thumbs up si minho. "napalaki talaga kita ng maayos." sabi nito kaya natawa ng mahina si taehyung.
"hindi naman ikaw nagpalaki sakin." kibit-balikat nyang sabi. "sabi ko nga.." irap ni minho saka dumusog palapit kay taehyung.
"so, anong trabaho ba yan?" minho
"nanny! mag-ya-yaya ko." sabi ni taehyung na may proud pang ngiti. "naks naman. mukha naman bang mabait yung bata?" tanong ni minho.
"aba'y malay ko. mukha bang nakita ko na? hinihintay ko pa nga lang na tawagan ako para ma-assure---" taehyung
napatigil sila nung tumunog ang cellphone ni taehyung. agad na kinuha ni taehyung yun at nakitang unknown number yun.
"hello?" tanong nya at ni-loudspeaker pa yun para na rin kay minho na nakiki-tsismis.
"is this mr. kim taehyung? the one who's applying for a nanny?" tanong ng lalaki sa kabilang linya
"shocks, ang gwapo ng boses." bulong nya kay minho na natatawa syang hinampas.
"yes, sir. i am kim taehyung." maingat at malumanay nyang sagot.
"nice. i am jeon jungkook, the father of the kid that you'll take care of. come to jeon's residence at 8am tomorrow. bring all your belongings as you will also start tomorrow---" jungkook
"ano po?! agad-agad?! ay wow! thank you---" taehyung
"next time don't ever cut my sentence, mr. kim." sabi nito na agad kinatigil nina taehyung at minho. "a-ah, sorry po. d-di na po mauulit." sabi ni taehyung.
"as what i am saying, bring all your belongings with your application form tomorrow. be late and you won't ever step on my grounds. have a good day." yun lang at pinutol na nito ang tawag bago pa man makapagsalita ulit si taehyung.
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
Casuale➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...