Chapter 593: KUYA LUKE

112 22 6
                                    

🏰LUKE🏰

"Saan tayo pupunta?" Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang tinanong 'yan sa kaniya, pero hindi niya naman nasasagot.

Kanina pa kasi kami lakad nang lakad, pero parang wala namang nangyayari. Pakiramdam ko nga naliligaw na kami rito sa gubat eh. Hindi ko na kasi matandaan kung saan kami dumaan kanina.

"Alex," muli kong tawag.

Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Siya kasi ang nasa unahan; sumusunod lang ako sa kaniya. "Luke, p'wede ba'ng 'wag ka munang magkulit? Kanina ka pa tanong nang tanong eh, nalilito na ako sa 'yo. Hindi ko na nga matandaan 'yong daan. Ang ingay mo kasi."

"Sorry," mabilis kong sabi.

Nagpamewang siya at sinuyod ng tingin ang paligid. Kunot na kunot ang noo niya habang ginagawa niya 'yan.

Magdidilim na, kaya kinakabahan na ako. Hindi ako nakabalik sa school, plus 'yong kotse ko naiwan doon sa labas ng bahay nila. Siguradong mayayari ako nito kay Daddy.

Kahit ano'ng isip ko, walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko talaga alam kung paano'ng lusot ang gagawin ko mamaya. Yari talaga ako nito.

"Ikaw ba? May alam ka ba'ng p'wedeng puntahan? Na hindi tayo mahahanap no'ng mga 'yon?"

Napakurap ako. Mayro'n naman akong alam, kaya nga lang baka delikado. Sa mga hotel p'wede siya magpunta, kaso wala naman akong dalang pera na p'wede gamitin pang-check in.

Teka, pati ba ako damay na?

Napailing ako. Hindi ko maintindihan kung ano'ng nangyayari. Sinundan ko lang naman si Lolo pabalik, tapos nagulat ako may nagsisigawan na. Muntik pa akong patayin no'ng isang lalaki kanina, buti na lang sinabi kong Lolo ko si Lolo Miguel.

Nagtaka lang naman kasi ako, kung ano'ng ginagawa ni Lolo sa ganitong klaseng lugar. At isa pa, dito ko kasi hinatid si Wantawsan kaya lalo akong nagtaka. Na-curious lang naman ako, pero ito ang inabot ko.

Muntik pa akong barilin...

Grabe...

"Hoy, ano na?" Lumapit si Wantawsan at kinalabit ako nang ilang ulit.

Tumango naman ako kaagad. "Sa bahay na lang, siguro?"

"Sa inyo?"

"Oo," mabilis akong tumango. Bahala na si Batman, pero kailangan ko siyang isama para makalusot ako. Wala rin naman akong tutuluyan. Sasabihin ko na lang ang totoo kay Daddy, para walang gulo. At least, kahit pagalitan ako, wala akong pagsisisihan kasi nagsabi ako nang totoo. "Pero kailangan muna nating makalabas dito."

"Sige, tara," yaya niya. "Nakita ko na 'yong palatandaan ko, pero p'wede bang magpahinga muna tayo? Kahit saglit lang talaga, Luke. Pagod na pagod na kasi ako."

Hindi ko inasahan na makakausap ko ulit siya nang matino ngayong araw. Naninibago tuloy ako, lalo na sa boses niya.

Medyo naguluhan ako sa kaniya, sabi niya kasi tara tapos gusto niya pa lang magpahinga. "Alex, mag-gagabi na kasi. Baka abutan tayo ng dilim dito, lalong mas mahirap." Lumaylay ang balikat niya at bumusangot. "Sige ganito na lang, ituro mo sa akin ang daan. Papasanin muna kita."

"Okay lang?"

Tumango ako. Mas okay na 'yon, kaysa abutan kami ng dilim dito. Baka lalo kaming mapaloko. "Tara," bumaba ako para makaayos siya ng puwesto sa likod.

Unang sampa pa lang ni Wantawsan, parang mababali na ang buto ko sa likod. Grabe, namali yata akong nang pinasok. Ang bigat niya pala. Parang gusto ko na tuloy umatras.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon