Chapter 668: BALING

98 12 4
                                    

🏰DARYLLE🏰

"Ayaw ko na..." Napayuko na lang ako, dahil hindi ko na kinakaya ang mga tanungan dito sa quiz namin. Kung nakamamatay lang ang mga tanong ay baka kanina pa ako pinaglalamayan dito.

Nag-review naman ako, sadyang mahirap lang talaga 'tong quiz. Akala ko ay madali lang, kasi basic lang ang topic. Akala ko lang pala 'yon. May mga subject talaga na kahit hindi naman dapat mahirap ay nagiging deadly.

Pa-major ba...

Asar...

"Last 10 minutes!" babala ng teacher namin, kaya hindi na ako nagulat nang mademonyo na ang ilan kong kaklase. Kahit hindi sila nangongopya ay bigla silang napapabulong sa hangin.

Call a friend 'yarn?

Nagsipaglabasan na ang mga cheating skills nila, kaya naman kinabahan na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko talaga. Naiisip ko nang mangopya, pero 'di ko talaga kaya.

Lord tulong...

Halos maiyak na ako nang ipasa ko ang papel ko na may mga sagot nga pero hula lang naman. Multiple choice kasi ang exam namin. Madali pakinggan pero kapag ikaw na nagsasagot ay mababaliw ka dahil magkakamukha ang choices. Parang lahat ng nasa pagpipilian ay tama.

"I'll be checking those papers," sabi ng teacher namin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na si Ma'am ang magche-check o hindi. 'Pag siya kasi ay matic walang lusot, 'yon nga lang—kung talagang mababa ka ay at least siya na lang makakaalam. Unlike 'pag kami ang magche-check, sasabihin pa ang score plus masiyado pang sariwa ang sugat na dulot ng pesteng quiz na 'to. At least, kung next week pa mababalik ang papel ay makaka-move on pa ako. Hindi masiyadong masakit.

Wala sa sarili kong tinapik ang kaliwang bahagi ng dibdib ko, sabay tatango-tango. Yes, kino-comfort ko na sarili ko ngayon pa lang. Para hindi na ako manlumo sa susunod.

"'No ba 'yan?!" Nangingibabaw na naman ang boses ni Kendrick. "Wala naman ganap sa ni-review ko, buti na lang talaga maganda ako."

Natawa na lang ako, kasi wala namang connect 'yong sinabi niya. Nagkagulo na naman sa room namin dahil sa mga grade conscious kong kaklase. Si JC lang yata ang masaya, palibhasa sanay na sanay na siya.

"Sa tingin mo ilan ka?" tanong niya kay Kendrick.

"Grade is just a number, only judge can God me," buong pagmamalaki ng tropa namin.

"'Yan ang gusto ko sa 'yo eh, niloloko mo sarili mo."

"Hoy totoo 'yon, tanggap ko na. Tanggap ko nang matatanggal na ako sa varsity next year," aniya sabay katok sa mesa na kahoy. Ang grade kasi ang isa sa pinaka-importante pagdating sa pagiging atleta. Kahit saang school naman ay gano'n.

"Hindi 'yan, ako nga eh stay strong," ani JC sabay tawa. Literal na wala talaga siyang kapaki-paki pagdating sa grade. Nag-aaral lang talaga siya para makapasa. "Hoy tara kain, libre mo!" Nakakita na naman siya ng kakilala at kahit 'di close ay niyaya niya.

"Talaga 'to 'di na nahiya," wika ni Georgina matapos makatayo para mangapitbahay.

Hindi pa man lang din nagtatagal ay pumasok na ang teacher namin para sa last subject. Aniya, hiniram daw niya 'yong natitirang 30 minutes ni Ma'am para matapos ang lesson. Siya na lang ang hindi pa nakakapagpa-quiz sa TTh schedule namin. Mukhang next week na 'to.

Parang isda sa sardinas ang ginawa ni Ma'am sa lesson, literal na isiniksik niya sa utak namin ang topic. Antok na antok na ang mga kaklase ko. Ang iba nga sa amin ay hindi na nagno-notes sa IPad. Kunwari na lang mga nagno-notes pero mga nagcha-chat na sa GC at naglolokohan. Ang iba ay naglalaro na lang ng kung ano'ng laro na mai-download nila.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon