Chapter 601: BEDSPACER

105 15 0
                                    

🏰ALEX🏰

Nanlaki ang mata ko nang makarinig ako ng busina ng sasakyan. Hindi ako p'wedeng magkamali, sila Mommy na talaga 'yon, dahil nandito naman na si Kuya Luke. Wala ng ibang p'wedeng pumunta rito maliban sa kanila at doon sa matandang pangit.

Agad akong napahinto mula sa pagkain ng ice cream. Mukhang kailangan ko na ring i-on ang enemy mode namin ni Kuya Luke, dahil bukod sa ubos naman na ang ice cream ay nandiyan na si Mommy kaya hindi na ulit kami bati. Mamaya na lang 'pag may kailangan na ako ulit sa kaniya. Hindi ko p'wedeng makalimutan na karibal ko siya.

"Oh dahan-dahan," aniya nang muntik na akong maurangod. Sobrang bilis ko kasing baby eh. "Papasok naman 'yon sina Mommy." Parang pinipigilan niya pa ako.

"Hindi, dapat ako ang first." Hinampas ko siya sa arms, bago ako nanakbo.

"Alex?" Narinig kong tinawag ako ni Mommy.

"Nandito ako!" sabi ko habang naglalakad nang mabilis. "Mommy!" binilisan ko lalo para ako ang maunang mang-hug sa kaniya. "First!" yumapos agad ako sa kaniya.

"Ikaw talaga..." pinanggigilan ni Mommy ang arms ko. "Na-miss mo 'ko?"

"Yes yes yow," sagot ko. "Hello, Daddy," bati ko sa asawa ni Mommy. Kailangan pakisamahan ko rin siya, dahil kung hindi palalayasin ako rito nang wala sa oras.

"Hello, how's your day?"

"I'm okay fine. How 'bout you?"

Imbes na sumagot ay natawa siya sa 'kin—sila ni Mommy—kaya napanguso na naman ako. Hindi ko talaga sila maintindihan paminsan-minsan.

"Ayos ah? Parang tanungan lang ng mga elementary students," sabi ni Mommy bago pinisil ang cheek ko sa right side. "Si Kuya Luke, nasa'n?"

"Wala na, pinalayas ko na." Natawa ako at gano'n din sila, kaya sigurado akong alam naman nila na nagjo-joke lang ako.

"Bakit naman?" kunwaring tanong ni Mommy.

"Eh ang pangit eh," katuwiran ko, kaya natawa sila.

Dumiretso kami sa sala at saka naupo. Mukhang pagod na pagod talaga silang dalawa, dahil napapahilot sila sa batok at sa likod.

"Wait lang po ha?" sabi ng isang kasambahay. "Malapit na pong maluto."

"Sige lang, hindi pa naman kami gutom, pagod lang." Inilapag ni Mommy ang bag niya sa gilid. Doon natuon ang paningin ko.

Ilang wantawsan kaya ang naro'n?

"Alex, ano'ng ginawa mo the whole day?" Nabaling kay Daddy ang atensiyon ko, dahil inuusisa niya ang mga aktibidades ko ngayong araw.

"Kumain po," nahihiya kong sagot. Siguro 30% ng stock nila ay naubos ko na. Partida, unang araw ko pa lang 'to ha?

"And?"

"Kumain nang kumain," pinagdikit kong maigi ang labi ko, dahil nahihiya ako.

Natawa naman si Daddy, kaya nabawasan ang kaba ko. Akala ko magagalit siya 'pag nalaman niya ang ginawa ko ngayong araw. Sa mahal ba naman ng bilihin dito, baka maghirap sila dahil sa akin. Wala pa naman ang financer kong si Mamaw para abonohan ang mga gastusin ko sa buhay, M.I.A. siya ngayon.

"Dy," lumabas na si Kuya Luke mula sa kitchen. Nag-bless siya sa Daddy niya tapos kumiss kay Mommy.

Tumaas ang kilay ko, dahil hindi man lang pumasok sa brain ko na i-kiss ang Mommy ko. Kung susunod naman ako ay baka sabihan akong gaya-gaya nila Daddy.

'Di bale, sisiguraduhin kong ako ang mauunang kumiss sa kaniya bukas. Kailangan masiguro ko ring ako lang ang bida rito, at hindi si Kuya Luke.

"Mommy," nakieksena na ako, dahil masiyado na yatang naha-highlight si Kuya, dapat ako rin. Tumabi at yumapos ako sa kaniya. "Napagod ka?" naglalambing kong tanong sa kaniya. "Gusto mo hilutin kita? Sige," sabi ko kaagad, kahit hindi pa naman siya umo-oo. Tumayo ako at umikot sa likod ng sofa para makapagpabida.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon