Chapter 612: FIRST DATE 2

60 12 0
                                    

🏰SYDNEY🏰

Pakiramdam ko ay kakabagan ako, dahil dito sa movie na pinapanood namin. Puro katatawanan at katarantaduhan lang yata ang laman nito. 'Yon lang kasi ng natatandaan ko mula kanina. Mula nang makapasok ako hanggang ngayon ay tawa ako nang tawa. I mean, kami pa lang dalawa.

"May part two kaya 'to?" tanong ko, dahil alam kong matatapos na ang movie. Nandoon na kasi sila sa resolution na part.

"I think mayro'n. Panoorin ba natin?"

Nakangiti akong tumango, bago muling bumaling sa big screen. I was really having fun with him. Though medyo kabado nang kaunti, pero hindi na gaya kanina. Nararamdaman ko na nagiging komportable na ako sa kaniya nang bahagya. 

Nang matapos ang movie ay lumabas na kaming dalawa ng Cinema. Hindi na ako nagulat nang magyaya siyang kumain. Expected ko na 'yon, dahil gano'n naman kadalasan ang routine ng mga tao 'pag nanonood ng movie.

"Saan tayo kakain?" Tingala mode on na naman tuloy ako, dahil ang taas niya talaga. Ngayon ko napagtanto kung gaano kalaki ang agwat namin when it comes to height.

"May pina-reserve na ako."

Nakanganga na naman akong tumango. Mukhang pinaghandaan niya talaga 'to, kasi 'yong ticket namin bayad na. Pagdating na pagdating namin ay in-assist pa kami ng staff.

He is a gentleman. Isa 'yan sa napapansin ko. Malapit ko na ngang isipin na bodyguard ko siya, dahil halos itulak niya na ang mga humaharang. Kulang na lang din ay buhatin niya ako para hindi ako mapagod kalalakad.

Ayaw ko silang pagkumparahin ni Ace, pero ngayon ay hindi ko maiwasan. Talagang magkaibang-magkaiba silang dalawa. Kung ilalahad ko ay magmumukha akong may pinapanigan.

Pumasok kaming dalawa sa isang mamahaling restaurant. Gusto kong mahiya dahil nakapambahay nga lang yata ako. Lahat ng nandoon ay nakaporma, maliban sa amin siyempre.

"Good afternoon, Mr. Xiao," bati ng babae. 'Yan siguro ang nakalagay sa reservation.

"Good afternoon," bati ni Xing.

"This way Ma'am and Sir."

Sinundan namin ang babae hanggang sa marating namin ang table. Marami na kaming nakainan na resto, pero first time ko talaga rito kaya medyo nae-excite ako. Plus, siya pa ang kasama ko kaya medyo special.

"Nagustuhan mo ba 'yong movie?" tanong niya habang pinanonood kong maglagay ng mga appetizer or sidedish ang mga waiter.

"Hmm..." tumango ako. "Kung may part two panoorin din natin?"

"Sige," kinuha niya ang baso at ininom ang tubig.

Habang kumakain ay panay na naman ang kuwentuhan namin. Well I guess ito na 'yong sinasabi nilang 'Getting to know each other stage'. Masasabi kong mas okay pala ang ganito, kaysa naman sa mabilisan. I am glad na hindi niya ako idinaan sa chat lang.

Hindi ako nailang sa pagkain. In fact, naubos nga naming dalawa lahat. Hindi namin napansin ang oras dahil pareho naming nae-enjoy ang isa't-isa. Hindi ko akalain na magiging ganito ka-cool ang tingin ko sa kaniya.

"Tara," yaya niya sa akin. Hinawakan niya ulit ang kamay ko bago kami lumabas dalawa.

Gusto kong itanong sa kaniya kung uuwi na ba kami. Tanghali pa lang naman at kung ako ang tatanungin ay ayaw ko pa talaga, pero iba kasi ang paalam ko kina Mommy.

"Daan tayo ro'n mamaya ah?" Tinuro niya ang isang jewelry shop na nilagpasan din naman namin agad.

Pumasok kami sa stall ng mamahaling brand at nag-ikot-ikot. Nagulat ako nang makita kong kumuha siya ng pambabae na damit. Akala ko para 'yon kay Yiren, but bigla niyang inabot sa akin.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon