Chapter 610: HAROT

110 15 6
                                    

🏰ALEX🏰

"Good night po, Mommy," naka-smile kong sabi sa kaniya bago siya lumabas ng kuwarto kong pangit. Natutuwa talaga ako 'pag bine-baby ako nang husto. Kaya naman maligayang-maligaya na naman kami ng b**bie ko, dahil na-babysit na ako. Sulit na sulit na naman ang pagpapa-baby ko.

Ang galing ko talaga!

Malaya akong humiga sa kama at tinignan ang kisame. Dito ako natulog kahapon, kaya sure akong makakatulog ako ulit dito. Sobrang sakit kasi ng puson ko kagabi, dahil sa pesteng regla na 'to. Mabuti na lang at hindi na kasing lakas ng kahapon ang bisita ko ngayon.

Ipinikit ko ang mata ko gaya kahapon, hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at talaban na naman ako ng antok. Patulog na sana ako kung hindi ko lang naramdaman na may nag-open sesame ng door ko.

Madali akong pumihit paharap doon, kaya nakita ko ang half-enemy at half-brother ko na si Luke. Annoy na annoy talaga ako sa kaniya kanina, dahil panay ang sapaw niya!

Kaning bahaw 'yarn?!

"Ba't ka nan-here?" mataray kong tanong. Sinusubok niya yata talaga ang kabaitang taglay ko. Salamat sa kaniya, dahil ubos na nga ang bait ko pero sinisimot pa niya. Napabangon tuloy ako nang wala sa oras.

"Dito ka matutulog?" tanong niya na parang hindi siya nakipag-kompetensiya sa akin kanina.

"'Di ba obvious? Nakakatulog na akong mag-isa rito. 'Di na kita kailangan." Sinusungitan ko na siya, pero nakangiti pa rin. May sa aning-aning talaga 'tong anak ni Mommy eh. Dapat dito tinatapon na.

Dispalinhado!

Naupo siya sa gilid ng kama ko, kaya sinaway ko siya agad. "Umalis ka nga, madi-dirty-han." pag-iinarte ko.

"Dito ka nga."

Nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya. Talagang halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang gulat. Ang dibdib ko naman ay hindi magkamayaw sa pagtibok nang mabilis at malakas.

"Hoy ba't ka nanghihila?" Sinubukan kong lumayo sa kaniya, pero halos kandungin niya na ako. Grabe, hindi ko alam na may ugali pala siyang nanghahablot. Siguro snatcher 'to kaya marami siyang wantawsan.

"Dito ka, tabi tayo." Kung sabihin niya 'yon para lang niya akong niyayaya nang inuman.

"Bakit nga?"

"Basta, dito ka."

Wala na akong nagawa nang isalampak niya ako sa tabi niya. Napasandal na lang din ako sa headboard ng kama, gaya nang ginawa niya. "Ba't ka ba nandito?" Nilukot ko ang tuhod ko at niyakap 'yon, para itago ang pagkailang. 

"Wala lang, gusto ko lang."

Lalo akong kinabahan dahil nakatingin siya sa akin. Gusto ko siyang sawayin pero 'di ko alam kung paano. Pinangungunahan ako ng hiya at hindi ko alam kung bakit.

Sandali kaming natahimik, kaya ang awkward talaga. Napaisip ako kung ano'ng p'wedeng itanong sa kaniya, para hindi naman kami magkailangan.

"Ano'ng ginawa niyo sa school kanina?" Hindi ko naman inasahan na magtatanong din siya kasabay ng sa akin.

"Dito ka ba talaga matutulog?"

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon