🏰LUKE🏰
Akala ko magiging okay na ako no'ng nalaman kong si Guione lang pala ang nagpalit sa amin ng damit, pero hindi ko inasahan na may mas malaki pa kaming concern. Nag-viral ang live ni Marco kagabi, kaya naman pinagpipiyestahan kami ngayon online.
Kung hindi pa kami nai-mention sa GC, hindi pa namin malalaman na may ginawa pala kaming kababalaghan kagabi. Nakakatawa pero nakakakaba naman talaga, dahil siguradong makikita nila Daddy 'yon.
"G*gi, ang talented mo rito Luke oh, tignan mo," sabi ni Guione na tatawa-tawa pa. Hindi siya masiyadong problemado, dahil hindi naman siya masiyadong na-expose. Kami ni Marco ang nagkalat nang husto sa video.
Nakakahiya...
"Sira ka," umiwas ako ng tingin, pero hindi ko rin mapigil ang tawa ko. Ewan ko ba, hindi ko magawang mainis sa kanila. Aminado naman akong may kasalanan din ako, kaya nga kabadong-kabado ako.
"Yari tayo," wala sa sariling sabi ni Marco. Kanina pa siya nakatulala, kaya natawa kami nila Matthew.
"'Yaan mo na," ani Matthew.
"Palibhasa wala ka ro'n."
"Ano'ng wala? Nando'n kaya ako, ang galing ko ngang tumayo eh." Napahalakhak siya.
Ako naman ay lalong nalugmok, lalo't nahagip ng mata ko ang orasan. Ilang minuto na lang at darating na si Daddy, dahil ang usapan namin ay alas tres niya kami susunduin.
"Sa tingin niyo ba magagalit sila sa atin?" tanong ko. Baka naman kasi maintindihan nila na nagsasaya lang naman kami. Alam mo na, dumaan naman kaming lahat sa pagkabata.
"Kay Papa, wala akong problema." Tumayo na si Marco at kinuha ang bag niya. "Kina Mama at Lolo ako kinakabahan."
"Same," sabi ko rin. Hindi naman pala-cellphone si Lolo, pero kung mapapanood 'yon ng ibang tao ay baka malaman nga nila. Malaki ang chance dahil kasama ko ro'n si Marco. "Baka pagalitan ako ni Lolo."
"Kaya kailangan na nating makausap si Tito Carlos. Kayang-kaya niyang gawan ng remedyo 'yon."
Nataranta kami kaya inabangan namin siya sa mismong pinto. Ilang minuto pa kaming naghintay at dumating na nga si Daddy. Nakatawa pa ito paglabas niyang ng sasakyan.
"Ikaw... pasaway ka." Gigil pero nakangiti niya akong tinuro. Natatawa akong yumuko, dahil nagtatawanan na sila Guione. Hindi na kailangang tanungin, dahil matic na 'yon. Alam na kung bakit siya ganiyan. "Ang ganda pa ng bilin ko kahapon eh. Kaya pala tawag sa akin nang tawag ang Tito Raymond niyo kaninang madaling araw." Natatawa na lang kami nila Matthew.
"Tito, nakita na po ba ni Papa 'yon?" nahihiyang tanong ni Marco.
"Aba siyempre, proud na proud na naman nga sa 'yo ang Papa mo eh." Tila kuminang ang mata ni Marco nang sumagot ang Daddy ko. "Ewan ko lang ang Lolo mo," biglang kabig nito.
"Tito naman eh..."
Lalo kaming natawa nang bumusangot ang Prinsipe. Napakamot na naman siya sa ulo at napaatras. "Siguro dapat hindi na ako umuwi."
"Psst... Hindi p'wede," pinandilatan siya ni Daddy ng mata. "Kayo naman hahayaan ko ba naman kayong mapahiya nang husto? Siyempre, bago ako pumunta rito ginawan ko na ng paraan."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: