Chapter 635: HESITANT

67 10 1
                                    

🏰SYDNEY🏰

Habang naglalakad ako papasok ay pakiramdam ko nakatingin sa akin ang lahat. Marahil ay dahil 'to sa nangyari kahapon ng hapon. Sobrang dami kasi talagang nakakita, kaya nahihiya ako ngayon. Hindi naman sa pag-iinarte, pero hindi lang talaga ako sanay ng ganito na pinag-uusapan.

Alam kong maraming naiinis sa akin ngayon, dahil hindi lang naman ako ang patay na patay kay Yixing. Maski ako aminado na marami talaga kami. P'wede na nga kaming magtayo ng fans club kung gugustuhin. Sa sobrang dami ng estudyante rito sa KU, malamang marami akong kaagaw.

Sorry na lang sila, at ako ang napusuan ng Chinoy na tila bayad yata ang pag-update sa akin. Walang tigil sa kaka-chat eh.

Batak na batak...

Natatawa na nga lang ako, dahil pati paghigop niya ng kape binilang niya pa at sinabi sa akin. Tapos 'yong pancake daw tatlong kagat niya lang. Nakakatuwa lang dahil nagiging komportable pa kami lalo sa isa't-isa. Siguro dahil nakakapagbiro na rin ako, kaya naman kahit kulang sa tulog ay blooming pa rin ako.

Hindi ko maiwasan na mapangiti kahit wala namang dahilan. I mean, siya ang dahilan, pero wala pa naman siyang ginagawa ngayon. Nasa isip ko lang lahat ng rason ng pagsaya ko.

Nang makarating ako ay si Darylle pa lang ang nasa room. Nagtataka nga rin daw siya kung bakit wala pa 'yong mag-jowa naming classmate na laging nauuna rito. Pero mas ipinagtaka niya ang pagiging maaga ko.

"Wala eh, sobrang aga kong nagising. Kapag natulog naman ako baka dumiretso na."

"Ganiyan ba 'pag inlove, maaga?" pabiro niyang tanong, pero tawa lang talaga naisagot ko. "LQ siguro 'yong dalawa, wala pa eh." Ang mag-jowa ang tinutukoy niya.

"Luka ka, baka naman na-traffic lang."

"Kumusta naman?" Tinapunan niya ako nang makahulugang tingin, kaya alam kong corner niya ako ngayon.

"Okay naman siya," sagot ko, na hindi ko matumbok kung ano talaga mismo ang gusto kong sabihin. Ayaw ko kasing sabihin na okay na okay siya, kasi hindi pa naman kami masiyadong magkakilala. "Medyo may pake siya sa akin, kumpara sa pinsan niya."

"'Yan ang magiging problema mo." Unang banat pa lang ay alam ko na ang tinutukoy ni Darylle. Hindi ko maiaalis sa kaniya na mag-alala sa akin, dahil nakita niya ang ginawa sa akin ni Ace. Saksi siya sa lahat ng pag-e-effort ko na pinalitan lang nang pang-gag*go. "Hindi na ba siya nagpaparamdam?"

"Hindi naman na," sagot ko na tila nakahinga rin nang maluwag. Siguro na-realize niyang hindi na talaga siya magiging okay sa akin kahit ano pang gawin niya. Marami namang babae ro'n sa kanila, kaya ro'n na lang siya. "Ayaw ko na rin siyang isipin."

"Ikaw lang naman ang iniisip ko. Kilala natin si Ace, g*go talaga 'yon kahit noon pa. Ikaw lang naman ang hindi naniniwala sa akin."

"Sorry na nga..." Ako ang nahihiya nang husto 'pag naaalala ko ang mga ginawa ko noon para lang mapansin ako ni Ace.

Akala ko kasi cool 'yon, but now I realized na hindi pala dapat gano'n, dahil babae ako at hindi babae lang. Kahit papaano ay iba ang pakiramdam ko kay Yixing, dahil iba nga ang treatment niya. Kung noon ay ako ang nangungulit, ngayon naman ay ako na ang kinukulit. Tila nasuklian at napansin na rin ng nasa taas lahat ng tiyaga ko. At aaminin ko na masaya ako, dahil hindi na kay Ace umiikot ang mundo ko.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon