Chapter 614: PAYONG KAIBIGAN

71 11 2
                                    

🏰SHANE🏰

Today is Saturday, kaya napagplanuhan naming bisitahin ang magaling kong kapatid sa unit niya. Balita ko kasi ay doon na raw siya naglalagi ngayon. We badly wanna know how's his life going now that he is all alone—just like what he wanted. Hindi ko lang siya makuha; gusto niyang mag-isa, pero sa amin nanghihingi ng panggastos.

Funny...

Dad agreed upon talking to him and convincing him to go home. Wala kasing effect ang ginagawa ni Mommy sa kaniya. Kaunting paawa lang talagang bumibigay na. Gusto rin ni Daddy na maayos ang pamilya niya, dahil naaawa siya kay Karmina na medyo nakikitaan na talaga ng tiyan.

Honestly, hati ang nararamdaman ko sa babaeng 'yon. May part na naiinis dahil alam ko namang ginusto niya 'yan eh. May part din namang naaawa kasi mukha na siyang t*nga. Kung ako nga lang ang nasa posisyon niya, malamang matagal ko nang nilayasan si Sean. But then I realized na mahirap manghusga, lalo't wala ako sa posisyon niya.

We are doing this for the baby. We are all flawed pero may puso pa rin kami. Akala ko nga kaya kong tiisin ang gano'ng setup, pero hindi rin pala. Ang dali lang talagang sabihin na tiisin ang kapamilya pero napakahirap gawin. I really don't know why.

"Kapag dating natin do'n please 'wag niyong i-open agad ang tungkol kay Karmina. Just act normal, okay? Kumustahin niyo siya. Kausapin niya. Wala munang magbabanggit ng kahit ano, understood?"

Dad and I nodded in response. I know we can still fix this. We are family, kaya sana gano'n din si Sean. Sana tulungan niya rin ang sarili niya, dahil magkakaanak na siya. If he doesn't want to settle down, p'wede naman. Hindi na namin siya pipilitin kung ayaw niya, para rin wala ng gulo. Ang gusto lang namin ay matanggap niya na magkakaroon na siya ng anak, baka sakaling magbago siya.

Baka...

Narating na namin ang floor kung nasaan ang unit niya. We decided to use the spare key para isorpresa siya, dahil sigurado akong tulog pa 'yon nang ganitong oras. Hindi naman 'yon nagigising nang maaga.

"Akin na," I get Mommy's bag para mabuksan niya nang maayos ang pinto. Si Daddy kasi ang may dala ng mga pagkain namin for this day.

"Let's go," Mom whispered excitedly.

"Sino 'yan?"

Nagkatinginan kaming lahat ng salubungin kami ng babae na hindi namin kilala. Agad na pumasok sa isip ko ang hinala ko nitong nakaraan na may bago na naman nga siyang babae.

"Oh my god..." Napatingin ako kay Daddy. Buti na lang marami siyang dala kaya natatakpan ang mata niya. That woman wasn't wearing a br*. Bakat na bakat sa sandong suot niya. "Dad just turn around!"

"What's going on?" Dad said in frustration. "Ano na naman 'to?! Sean?!"

"Hey," saway ni Mommy kay Daddy na sa wari ko ay nawalan na ng gana. "Hindi ba nag-usap na tayo?"

"You must be his Mom," kalmado niyang sabi kay Mommy, kaya natawa na lang ako. Kung makapal ang mukha ni Mina mukhang mas lalo ang isang 'to. "And his Dad," sinilip niya si Daddy at tinapunan ng malanding tingin ang likuran nito.

"Hey!" Hindi ko napigil ang sarili ko kaya nahila ko kaagad ang buhok niya.

"Ano'ng problema mo?"

"Where is Sean?"

"Still sleeping," she answered. Pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang pagluluto ng hotdog. Mukhang 'yan ang ipapakain niya sa kapatid ko habang buhay.

"Sean!" Hindi ko alam kung paano ko kakalmahin ang sarili ko. Daig pa namin ang napahiya rito. This is our property, pero pakiramdam ko nante-trespass kami.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon