🏰LUKE🏰
Dad told me not to go outside, kaya nandito ako sa kuwarto ko mula kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Alex. Parating na sina Lolo, dahil tinawagan siya nila Daddy. Ayaw nila na makialam ako, kaya sabi nila dito na lang daw muna ako habang inaayos nila ang nangyari.
Alam kong hindi na babalik 'yon si Alex, dahil baka ayaw na niya rito. Hindi kasi siya sanay dito, kaya naiintindihan ko naman. Mahirap talaga 'yong nakikitira, so I couldn't blame her.
Kabadong-kabado ako, dahil sigurado akong magtatanong 'yon si Lolo kung ano ang ginawa namin dito. Malamang magtataka 'yon kung bakit umalis si Alex. And for sure iisipin niya na may nangyaring hindi maganda.
"Lagot..." napahilot ako sa sentido ko. Kinakabahan lang naman ako na baka magsumbong siya. "May kasalanan ba ako sa kaniya?" sa sobrang kaba ko ay kinakausap ko na ang sarili ko.
Pinilit kong pigain lahat nang naaalala ko, kasi baka may nagawa nga akong mali. Ako lang naman kasi ang nakikipag-asaran sa kaniya rito. Maliban sa akin sa palagay ko ay wala na.
Natanaw ko na ang sunod-sunod na sasakyan papunta sa amin. Hindi ko magawang kumalma, kaya naman para akong sira na naghahantay ng ulan sa disyerto. Gusto ko ring makibalita, pero sabi ni Daddy bawal daw.
Namuo na naman sa isip ko kung bakit may mga Royal Guard pang kasama si Lolo. Iba ang uniporme nila, pero 'yong mga mukha nila ang pamilyar sa akin. Usually kasi ay bodyguards ang kasama ni Lolo, kung hindi naman related sa mga Bughaw ang ginagawa nila. Pero dahil nandiyan sila..?
"Parang malabo naman yata 'yon," sagot ko sa namumuong tanong sa isip ko.
Paano naman magiging Bughaw si Alex? Eh 'di sana nandoon siya sa Palasyo at hindi pakalat-kalat dito. Hindi nga siya kilala nila Marco, pero kilala siya ni Lolo at 'yong magkapatid na Tita Gloria at Glydel na pareho palang Royal Guards.
Ha?
Muli akong sumilip sa labas. Lahat sila ay nagsasalita, pero siyempre hindi ko naririnig dahil malayo ako sa kanila. Halata lang talaga sa galaw ng bibig nila.
Nagtago ako nang makita ko si Lolo na salubong na salubong na naman ang noo. Alam ko nang galit siya dahil sa nangyari, kaya siguro ayaw din akong pababain nila Mommy.
Hindi rin naman namin siya p'wedeng sisihin, kasi kaya niya nga iniwan si Alex dito dahil tiwala siya sa amin. Kami rin naman ay hindi inasahan ang nangyari, dahil ang ayos pa ng usapan namin na magpa-party kami mamaya. Excited pa nga siya kanina, kaya nagulat ako nang umalis siya.
Noong una ay naghantay ako, pero nang makalipas ang kalahating oras ay nagsabi na ako kina Mommy at tumawag na rin sila kina Lolo. Maganda na nga rin siguro na sinabi ko kaagad, kasi kung naghantay pa ako hanggang mamaya baka lalo lang kaming malintikan.
Binigay ko rin kay Daddy ang letter na iniwan niya rito, para naman may proof ako na hindi ako nagsisinungaling. Sinubukan na rin naming halughugin ang bahay pati 'yong labas, pero wala talaga. Hindi ko lang sure 'yong CCTV kasi sila Daddy na ang nag-review.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Mommy entered my room and ni-lock 'yon right after niyang makapasok. Sinenyasan niya ako lumapit kaya sumunod ako.
"Is he mad?" tanong ko. Tumango naman si Mommy. Ako naman ay napatango na lang, kaya siguro siya nandito sa kuwarto. "Hindi naman siguro sila mag-aaway ni Daddy 'no?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: