Chapter 641: TALK ABOUT LOVE

82 12 0
                                    

🏰REIVEN🏰

Nagkakasayahan sa bahay nang makauwi kami nila Manolo galing trabaho. Busy sila sa paglalaro online. Hindi naman na ako nagulat, dahil nasabi naman na sa akin ni Papa na nandito sila. Kaya nga inutusan din akong bumili ng mga pasalubong at kung anu-ano'ng pagkain.

"Nakita mo 'yong mga galawan ko ro'n?" nakatawang sabi ni Papa Morgan. Hindi nila napansin ang pagdating namin, dahil abala sila sa ibang bagay.

"We're here," sabi ko. Doon lang sila tumingin sa gawi namin.

"Hoy, nandiyan ka na pala," ani Papa Mambs na hindi maalis-alis ang tingin sa phone. "Pamanuhin mo nga ako."

"Oo nga pala..." Kahit abala ay inabot ko ang kamay nila para magmano. Kinamusta ko rin ang dalawang anak ni Tita Gloria. "Parang napapabayaan kayo sa kusina ah?"

"'P'wera usog," sabi naman ni Bradley.

"Ano ba 'yang nilalaro niyo?"

"Nag-e-ML kami," sagot ni Papa Tonton. Naniningkit pa ang mata niya habang naglalaro. "Sumama ka kasi rito sa clash, Morgan. Saka ka lang tumutulong 'pag namamatay na kami."

"Hinahantay niya na mauna tayo, para kunwari siya ang nakapatay," inis na sabi ni Papa Mambs. Si Viper naman ay tawa nang tawa. "'Wag mong tulungan."

"I-heal mo 'ko!" tarantang-taranta si Viper. Hindi ko malaman kung sino ang kausap niya sa kanila. Itong mga anak kasi ni Tita nawawala na sa sarili, dahil sa katatawa. "Wala na, patay na! Ang ganda na ng record ko eh, namatay pa." Iiling-iling ito.

"Ang dami mo namang dala, Kuya ReiRei. Hindi naman namin 'to mauubos." Sinilip ni Darlene ang mga pinagbibili namin. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto nila, kaya kung ano na lang ang makuha ko 'yon na. "Kuya, parang nangitim kayo."

"Sabi sa 'yo, nangitim tayo eh," marahang sinuntok ni Bradley ang braso ko. 

"Pa'no, panay ang bilad. Binilhan ko na nga ng sunblock eh," ani Papa Morgan na mukhang nabuhay na ulit, dahil hindi na naman kumukurap kaka-cellphone eh.

"Madami kasing ginagawa sa site," sabi ko. "Kain kayo oh, kaya ko nga 'yan binili eh." 

"Wait lang, mananalo na kami," sabi ni Papa Mambs.

Tatawa-tawa akong napailing, dahil bangkag na bangkag talaga sila sa kalalaro. Ganiyan sila kapag may mga bagong nadidiskubre. Kung anu-ano na lang ang pinag-gagawa nila sa araw-araw, pero inintindi ko na lang dahil gano'n siguro 'pag tumatanda na.

"Pasama naman sa picture," ani Papa Tonton.

"TP-han niyo," tuwang-tuwa si Papa Morgan. Talaga namang nagsisigawan at nagsasayawan sila sa tuwa. "Ako MVP rito."

"Puro ka kasi KS!" Tinulak siya ni Papa Mambs, kaya muntik na siyang maurangod sa center table. Tumawa siya nang malakas bago itinuro si Darlene. "Osnat ka na naman."

"Chocolate na naman si Darling," pang-aasar ni Viper, kaya pati kami ay natawa na rin.

"Tito naman eh!"

"Kumain na tayo, gutom na 'ko." Napahimas na ako sa tiyan ko. Actually, hindi naman ako masiyadong gutom, gusto ko lang din sila makasabay kumain dahil minsan lang silang nandito.

"Oh tara na, tara na," yaya ni Papa Mambs. Kitang-kita kong ipinatong niya na naman ang phone niya sa charger para makapag-charge. Lakas niya talaga maka-lowbat ng phone. "Para makarami pa tayo mamaya."

Hindi na kami masiyadong kumain ng kanin. Halos papak-papak na lang ng ulam ang ginawa namin at nagkuwentuhan habang kumakain. Nakakabusog naman dahil napataob namin ang mga binili ko.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon