🏰GLYDEL🏰
Nagdadalawang-isip ako kung susunod ba ako sa utos na bumaba na raw ako. Hindi kasi ako lumalabas mula pa nang mangyari 'yon kahapon. Tila wala na akong mukhang maihaharap sa kanila, dahil sa mga nagawa.
Aaminin ko, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ganito sila sa akin. Ang turing nila sa akin ay parang kamag-anak pa rin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan, dahil maaaring pinapa-dama lang nila ako. Malay ko ba kung may binabalak na silang masama sa akin.
Hindi kasi ako mapalagay, dahil kataka-taka na talaga ang kinikilos nila. Sa laki ng nagawa ko, hindi man lang ako pinagbuhatan ng kamay, kaya naman si Ate ang inaalala ko. Paano kung siya ang gantihan? Paano kung madamay ang mga anak niya? Tiyak na hindi ako patutulugin ng konsensiya ko.
"Señora?" tawag ng nasa labas sa hindi na mabilang na ulit. "Hinahantay na po kayo si Don Jaime sa ibaba. Ako ho ang malilintikan 'pag hindi kayo sumunod."
"Busog ako," pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan ay kagabi pa kumakalam nang husto ang sikmura ko. Sadyang nahihiya lang talaga akong kumuha ng pagkain, dahil nga may kasalanan ako sa kanila.
Ano na lang ang sasabihin nila 'pag naabutan ako?
"Señora, dali na po," pagsusumamo ng katulong sa labas. Siguro ay binantaan 'yan ni Papá, kaya naman ganiyan kung magmakaawa sa akin.
'Yan ang pinagtataka ko eh, bakit sila gano'n tratuhin? Ako parang prinsesa pa rin. Samantalang saksi naman ako kung gaano siya kalupit sa tao, lalo na sa mga kaaway niya.
Sa awa ko ay binuksan ko ang pinto, kaya tila nakahinga na nang maluwag ang babae sa labas. Namumutla siya, kaya naman alam kong namumuo ang takot sa kaniya sakaling hindi ako maisama pababa.
"Tara na po Señora, kanina pa po sila naghihintay sa baba."
"Sila?"
"Nando'n po silang lahat, dahil gusto po ni Don Jaime na sabay-sabay kumain."
Agad akong napaatras, dahil nakaramdam ako ng hiya. Nando'n ang pag-aalangan sa akin, dahil baka nando'n sina Alex at Ate. Pareho pa naman kaming hindi okay, dahil sa kabobohan ko sa buhay.
"Kayo na lang po ang hinahantay," dagdag niya. "Sige na po, parang awa niyo na. Ayaw ko po mawalan ng trabaho."
"Dalhan mo na lang ako rito."
"Señora, tawag po talaga kayo ro'n."
"Tsk..." Napairap ako, dahil naaawa rin naman ako sa kaniya. Hindi naman ako gano'n kasama para hayaang madamay ang nananahimik na kasambahay. "Susunod na ako."
"Señora..."
"Susunod na nga."
"Sige po," aniya sabay talikod. Sumulyap pa sa akin habang naglalakad na tila nagpapaawa.
Inayos ko ang damit ko, para kung sakaling lalasunin man ako ay mamamatay akong maganda. Hindi ko na sila maintindihan, at nahihirapan na rin akong unawain ang mga katuwiran nila sa buhay.
Ba't ba hindi na lang nila ako patayin? Hindi ba nila alam kung gaano kalala ang nagawa ko? O baka kailangan ko pang ulitin at isa-isahin ang kasalanan ko para ma-realize nila na kapatay-patay ako?
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: