Chapter 652: ALBUM

99 9 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Nasa labas kami ng movie room at hinahantay na matapos ang pinanonood ng dalawang pangit. Kanina pa 'yan sila nandiyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalabas. Balak yata nilang ubusin lahat ng movie sa mundo, bago sila lumabas.

Nakailang laro na kami ni Hermana ng chess, pero hindi pa rin sila natatapos. Hindi ko na nga alam kung ilang beses ako nanalo e, basta alam ko hindi pa ako natatalo nito.

"Sa tingin mo kapag sumigaw ako ng sunog lalabas na sila?" pabiro kong tanong kay Hermana.

Mahinang natawa ang luka. "Hindi ka naman dinig sa loob niyan."

"Pindutin ko kaya ang alarm?"

"Try mo, para ma-sample-an ka."

"Sabi ko nga tatalunin na lang kita ulit," sabi ko bago iginalaw ang Queen ko malapit sa King niya.

"Talo na naman?"

"Talo na naman," saktong pagkasabi ko niyan ay bumukas na ang pinto, kaya naman napatayo kaming dalawa. Nakangiti ang isip-bata habang hawak ang chichirya na malaki. "Kain ka na naman nang kain. Kaya ka lang sumama para diyan 'no?"

"Uy hindi ah?" tanggi niya. "Nanood talaga kami ni Lolow ng movie." Nakangiti niyang sinulyapan ang Lolo niyang pangit. "'Di ba Lolow? Nakakatawa 'yong Tom and Jerry?"

"Ano?" gulat kong tanong.

"What?" pero mas nagulat ang Hermana.

Talagang hindi kami makapaniwala na nanood ito ng cartoons. Hindi ako sure kung first time, pero hindi 'yan nanonood nang gano'n and worst is pambata pa.

"Magpapahinga na muna ako," sabi ni Papá, na halata namang iniba lang ang usapan dahil ayaw mapagtawanan.

Hinantay naming makalayo siya bago kami natawa nang malakas at saka inurirat ang magaling na si Nguso. Maging siya ay tawa nang tawa dahil sa ginawa niya. Ayaw daw kasi talaga nito manood ng Tom and Jerry, nginusuan niya lang.

"Ang tindi mo ah? Hindi 'yon nanonood nang gano'n," sabi ni Hermana sa anak niya habang pinupunasan ang mukha nito.

"Matindi talaga 'yan," sabi ko naman. "Tigas mukha niyan eh..."

"Nangangaway ka na naman. Friends na nga tayo eh," reklamo niya bago ako inirapan.

"Akin na 'yan, tama nang kakakain." Kinuha ko muna ang pagkain na hawak niya. Mukhang paldo-paldo 'to ro'n kanina, ang daming nilalabas na kalat ng mga naglilinis sa loob eh. "Maempatso ka," pinandilatan ko siya ng mata bago pa makareklamo.

"Gusto mo ba maligo?" tanong ni Hermana.

"Ayaw po, antok ako eh."

"Tara, let's sleep. Inaantok din ako, kapagod kasi matalo."

"Sama ako," nakangusong sabi ko. Parehong-pareho ang pagkakangiti ng dalawa. Doon ko lang napansin ang pagkakahawig nila.

"Tara," sabi ni Hermana.

"May bayad dapat, Mama." Talagang mukhang pera ang Nguso ko. Hindi na yata maaalis 'yan sa kaniya.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon