Chapter 658: DESPEDIDA

96 8 0
                                    

🏰DARLENE🏰

"Hello Darling," bati ko sa kapatid kong antok na antok na. Natawa ako dahil sa hitsura niya. Nakita ko si Tito Tonton kanina, pero lumabas siya kaya I guess hahantayin pa namin siyang makabalik bago kami makabiyahe pauwi. "Kainis, wala na namang nagturo." Sumalampak ako sa upuan na nasa kabilang gilid niya.

"Ang tagal mo..." reklamo niya. "Wala naman pala kayong ginawa."

"Kapag naging college student ka na Darylle, maiintindihan mo ng sa attendance ka na lang babawi." Inayos ko na ang bag ko.

Tito Tonton finally arrived kaya naman nakaalis na rin kami. Kinamusta niya agad ang pagpasok namin ni Darylle. Siyempre, hindi ko na nabanggit kung gaano ako nabagot kakahantay sa mga prof na hindi namin alam kung papasok ba or hindi na.

We had no choice but to wait until matapos ang period nila. Minsan kasi, kahit five minutes na lang ang natitira sa oras ay doon pa sila nagsisipagpasukan at kakainin ang oras ng ibang prof. I know that they're busy, pero sana 'wag naman laging gano'n dahil nagbabayad kami nang maayos; or kung hindi naman ay magsabi sana sila para hindi kami naghihintay.

Hindi naman lahat ng nasa KU ay mayayaman or sinuwerte sa buhay. May mga estudyante rin diyan na suntok sa buwan lang ang pagpasok or gawa ng scholarship kaya need nila mag-part time para may pangsuporta. Sobrang sakit lang din sa parte nila na naghahantay sila sa wala imbes na nakakapagtrabaho na.

"Do you want to eat? Or sa bahay na?" biglang tanong ni Tito.

Si Darylle ay natutulog kaya ako na ang sumagot. "Sa bahay na lang po, para sabay-sabay."

"Okay," sagot niya. Sinipat niya rin si Darylle, kaya nakita niyang gulay na gulay ang kapatid ko. "Tulog din pala si Bunso, sa bahay na lang talaga."

"Marami po yata silang ginagawa, mag-e-exam na yata sila." 'Yan ang narinig kong sabi ng ibang estudyante kanina habang palabas ako ng building. Isa ring sign na malapit na ang exam kapag punong-puno na ang library.

"I see," sagot ni Tito. "Gano'n din sa SADPU, need namin sumunod sa school calendar or else made-delay ang tapos ng school year."

"Tito is it hard? To run a school alone?"

"Actually, hindi naman, kasi hindi lang naman ako ang nagtatrabaho, kaya nga alaga ko rin ang mga empleyado ko, dahil nasa kanila ang buhay ng kahit anong negosyo."

I just nodded. 'Yan din ang laging sinasabi ni Mama sa amin ni Darylle, na never daw naming sungitan ang mga nagtatrabaho sa shop. Siguro ay nasa dugo rin nila ang pagiging negosyante, dahil silang lahat ay may sari-sariling negosyo.

Ligtas kaming nakauwi ng bahay, kaya naman umakyat na agad ako para magbihis. Habang nag-aayos ay tinatawagan ko si Mama, pero dalawang tawag pa ang na-miss bago niya nasagot. "Tagal..." puna ko. "How are you?"

"Ayos lang ako, kayo? Kumain na kayo?"

"Not yet, pero pakain na rin. Ikaw?"

"Katatapos lang," sagot niya.

I just couldn't help but smile. Hindi ko lang masabi pero nami-miss ko na talaga si Mama at ang bahay. Okay naman ako rito, pero iba pa rin kapag nando'n ka sa sarili mong teritoryo. Nothing can beat the comfort of being home.

"Ano'ng ginawa mo today?"

"Uhm... wala... namasyal."

"You should take pictures, Mama," wika ko bago nahiga. Tapos naman na akong magbihis, sadyang kinakamusta ko na lang siya. "Send-an mo nga kami ni Darylle."

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon