Chapter 676: ASKING

63 10 2
                                    

🏰ALEX🏰

Naghahanap ako nang maisusuot dahil pupunta kami ni Mama sa hospital ngayon. Ayaw na niya akong iwan, dahil siguro natakot siya na baka lumayas na naman ako. Halos hindi nga ako makahinga sa pagtulog dahil sa higpit ng yakap niya.

Naawa naman ako dahil siguro ay kinabahan na naman siya kaya gano'n siya habang natutulog ako. Siguro, iba na naman ang nasa isip niya dahil sa ginawa ko.

Sorry Mama...

Nakailang sabi ako niyan sa kaniya kagabi. Awang-awa ako sa kaniya, dahil alam kong marami na siyang problema at mukhang nakadagdag pa ako sa iisipin niya.

Nakakahiya...

Ang sabi ni Mama ay gising na raw si Lolow, kaya siya nakauwi kagabi. Si Lolo Antonio ang nando'n kasama niya. Inutusan daw kasi siya nitong umuwi at magpahinga.

Kaya ngayong araw ay bibisita kami ro'n kay Lolo. Hindi pa raw kasi siya p'wedeng umuwi, dahil babantayan pa ang lagay niya. Sa ngayon ay doon daw muna siya mananatili.

"Anak, okay na ba sa 'yo 'to? Wala ka nang nakalimutan?" tanong ni Mama bago isara ang maleta ko. Doon daw kami matutulog at bukas na lang uuwi.   

"Okay na 'yan," mabilis akong tumango. "Ikaw Mama, may gamit ka na?"

"Yes," nakangiti niyang sagot. "Maliligo lang si Mama ha? Stay here."

"Dadalhin ko lang po si Umbag kay Clarissa, Mama."

"Oh okay," pagpayag niya. "Sabay na tayong lumabas."

"Opo," sabi ko. "Umbag, come here. Let's go na." Nai-ready ko na rin ang mga gamit niya, dahil makiki-sleepover muna siya.

"Ang laki na niya ah?" puna ni Mama habang mayabang na naglalakad ang ampon ko at mukhang alam na kung saan ang punta.

"Puwera usog..." sabi ko sabay tawa. Dumiretso na si Mama sa kuwarto niya at kami naman ni Umbag ay kay Clarissa. "Tao po, tao po ako!" sabi ko sabay katok. Maging si Umbag ay hinahampas din ang pinto gamit ang isa niyang paa habang tumatahol. "Very good," wika ko.

"Pasok," ani Clarissa pagkabukas ng pinto. Tinulungan niya ako sa gamit ni Umbag at pati sa pagkain.

"Kumpleto na 'yang pagkain niya hanggang bukas. Takal na din 'yan."

"Nakaligo na siya?"

"Ayaw," nakanguso kong sagot. Ang totoo niyan ay ilang araw na yata 'yang hindi naliligo. Napakahirap niya kasing habulin lalo 'pag alam niyang paliliguan siya.

"Magtutuos kami niyan."

Natawa na lang ako. May kalalagyan talaga si Umbag diyan kay Clarissa. Matira ang mayabang sa kanilang dalawa.

"Clarissa sorry ah?"

Gulat siyang lumingon sa akin. "It's fine. Hindi naman nagalit ang Mama sa akin, pinagsabihan lang ako."

"Kahit na," katuwiran ko. Alam kong masakit pa rin 'yon dahil hindi naman yata siya napagsasabihan madalas. Kasalanan ko rin kasi nagpumilit ako. Ang yabang-yabang ko pa pero waley naman.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon