🏰DARYLLE🏰
Nang makauwi ako ay sinabi ko kaagad kay Mama ang chat ni Eric. Ang sabi niya naman ay totoo raw talaga 'yon, nakita niya raw talaga si Alex na may kasamang bulto ng lalaking nakaitim. Naisip ko na baka 'yon ang mga bantay niya sa mansiyon noon, kaya baka alam ni Mama ang tungkol do'n.
"Kailan daw?" Nakakunot ang noo ni Mama, kaya naman naisip kong baka hindi niya alam ang tungkol do'n.
"No'ng Saturday daw," sagot ko. "Nai-chat lang sa akin ni Eric. Tinatanong niya kasi kung saan na raw nakatira si Alex. Dadalawin niya yata."
Talagang hindi rin nagpapatalo ang manok ng bayan na si Eric. Napakatiyaga rin talaga ng taong 'yon. Wala na talaga akong masabi sa kaniya.
"Sabihin mo kay Eric 'wag nang kulitin 'yon si Alex, hindi na 'yon babalik dito."
Napakurap ako sa naging sagot ni Mama. Hindi ko inasahan na gano'n ang sasabihin niya. "Nasa'n na ba si Alex?"
"Kinuha na ng Nanay," sagot niya na mas ikinagulat ko. Hindi ko akalain na sasagutin niya ako. Kapag nagtatanong kasi ako ay puro waley ang sagot niya, pero ngayon ay iba—diretso!
"Akala ko wala na siyang Nanay?"
"Mayro'n," tumayo si Mama at nagsimula nang magluto ng hapunan.
"Eh paano siya napunta sa inyo?"
"Mahabang kuwento," aniya. 'Yan ang hinihintay ko eh. Ganiyan kasi siya sumagot kapag may tinatago. "Basta, sabihin mo kay Eric 'wag nang makulit at 'wag pupuntahan ang Tita mo at balingag ang utak no'n ngayon. Si Alex nando'n na sa Nanay niya, malabo na 'yon magpakita dahil ayaw ng Nanay."
"Kahit bisita lang?"
Umiling si Mama. "Si Alex siguro gusto niya, pero hindi 'yon papayagan. Iuuwi na 'yon do'n sa kanila."
"Eh bakit niya pinuntahan si Tita? Tayo hindi?"
"Eh alam mo namang deds na deds 'yon sa Tita mo, baka 'yon lang ang na-miss."
Bahagya akong nalungkot para kay Tita, wala na pala kasi si Alex. Kinuha na pala siya ng Mama niya. Ibig sabihin lang no'n ay wala na siyang kasama at alam kong masakit 'yon para sa kaniya. Matagal niyang inalagaan si Alex at ngayon ay mukhang matutuluyan na silang maghiwalay, dahil siyempre may magbabago lalo't Nanay ni Alex ang dumating. Take note, totoong Nanay 'yon.
Ano'ng laban ni Tita ro'n?
Pero kailangan kong maging masaya para naman kay Alex, dahil sa wakas ay may pamilya na siya na totoo at hindi imbento lang. Siguro ay masaya na siya ngayon at malamang ay tuwang-tuwa talaga 'yon. Sana lang ay alagaan siya nang higit sa ginawa ni Tita. Sana hindi siya tipirin sa pagkain kasi matakaw siya. At higit sa lahat, sana mahalin siya nang sobra kasi kahit 'di 'yon perpekto ay mabait 'yon, kahit makulit.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan siyang i-chat sa messenger. Mukhang hindi siya nag-o-online pero sana ay mabasa niya. Doon ko siya kinamusta at inutusang mag-reply naman kung sakaling mabasa niya.
Bakit ba kasi hindi nahilig sa social media ang babaitang ito? Wala tuloy kaming communication.
Tinulungan ko na lang muna si Mama na maghain dahil alam kong parating na rin si Ate at makakakain na kami. Saktong pagtapos ay nangyari na nga ang nasa isip ko, nakapaghapunan kami nang mas maaga sa usual.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: