🏰DARYLLE🏰
Nagwo-worry ako para kay Mama, dahil stress na stress siya ro'n sa trabaho niya. Ang hindi ko kasi maintindihan ay bakit hindi pa siya mag-resign do'n—kung ano man 'yon. Para hindi siya nahihirapan gaya ngayon. Namomroblema siya nang husto, at hindi ako sanay na nakikita siyang ganiyan kabagsak.
Hindi nga namin siya makausap nang maayos, dahil parang laging galit ang dating niya. Salubong ang kilay niya, at talaga namang kunot na kunot ang noo. Si Ate ang nagbilin sa akin na bantayan si Mama, dahil nando'n siya nakapila para sa NAA. Gusto niya raw maging courtside reporter.
Bahala siya sa buhay niya...
Malaki na si Ate, at ayaw ko nang panghimasukan ang mga desisyon niya sa buhay. She said para 'yon sa career niya at naiintindihan ko naman ang point niya. Iba pa rin kasi talaga kapag may hatak ka na sa iba. Kahit papaano 'pag lumabas na siya sa TV, mas malaki 'yong chance na lumabas pa siya sa iba or may kumuha sa kaniya.
Hindi naman kasi madaling pumasok sa ganiyan, lalo't wala naman kaming kamag-anak na artista. Iba rin kasi ang hatak ng mga gano'n. Kahit modelling lang ang gusto niya ay parang gano'n na rin 'yon. Aside from that, kikita rin naman siya kasi may bayad din sila kahit papaano.
Busy ako sa pagpapakalat ng account ni Ate sa GC namin, dahil need niya ng mas maraming followers sa socmed accounts. Isa kasi 'yon sa requirement nila para makuha. Marami na siyang followers, pero siyempre iba pa rin 'pag marami talaga. Malay ba namin kung may kalaban siyang mas malakas do'n.
Marami rin kasing magaganda sa KU, na mayaman din at sikat. Feeling ko do'n mahihirapan si Ate sa part na 'yon. Pero kung talakan lang din naman, eh papalag ang Ate ko. Maboka kasi siyang tao. As in, marami siyang ebas lalo na kung kailangan.
Nag-a-update siya sa akin kaya nalalaman ko kung ano nang nangyayari sa kaniya ro'n. Ngayon kasi naka-sched ang KU, kaya puro KU lang din naman ang nakakasabay niya. 'Yon nga lang, may mga anak daw ng artista na sumali at ang iba ay social media influencer, kaya feeling niya raw ay tagilid siya.
Nalungkot naman ako para sa kaniya, kasi alam kong gustong-gusto niya talagang makuha ang spot na 'yon. And for sure, deserve niya rin naman 'yon. Pero kung ganiyan ang makakatapat niya, eh mahihirapan nga talaga siyang makuha.
Pero support pa rin ako, kasi siyempre Ate ko 'yon eh. Hindi naman sa lahat ng oras makukuha ang gusto. Minsan matuto rin tayong pagsumikapan nang husto ang isang bagay. Mas masaya kasi kapag nakuha mo ang isang bagay na pinaghirapan mo talaga.
Hindi ko maiwasan na hindi kabahan, dahil first time ni Ate ang ganito. Makuha man siya or hindi, proud pa rin ako. 'Yon nga lang, nagising na si Mama at ang masakit nito ay gabi na. Umiikot na rin ang mata niya kaya hindi na ako nagulat sa sumunod niyang sinabi.
"Nasa'n na raw ang Ate mo? Gabi na ah?"
Napakurap agad ako, dahil hindi ko naitanong kay Ate kung okay lang ba na ipaalam ko kay Mama ang ginagawa niya. Hindi ko rin kasi alam kung paano siya palulusutin ngayon, lalo na't mainit ang ulo ni Mama. Ayaw kong magsinungaling sa kaniya, kasi siguradong mapapagalitan ako.
"Chinat mo na ba?"
"Opo," sagot ko. Totoo namang chinat ko si Ate, pero tinanong ko lang naman kung okay lang ba na sabihin ko kay Mama. Nagsabi ako na ayaw kong magsinungaling kaya oo ang naging reply niya. "Mama nakapila pa raw siya."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: