🏰REIVEN🏰
Hindi ko na alam kung paano ko lilibangin ang dalawang bata, para hindi nila maalala ang tungkol sa Mama nila. Kung si Alex lang sana ang nandito mas mapapadali ang trabaho ko, dahil bigyan mo lang 'yon ng pagkain okay na 'yon.
Hindi ko naman p'wedeng ipahalata na nang-uuto ako, dahil hindi nga sila kagaya ni Alex. Sure akong makakahalata sila kapag gano'n ang ginawa ko, kaya naman tamang alok lang ako at yaya. Mahiyain talaga ang dalawa kaya panay ang tanggi. Nauubusan na ako ng ideya kung ano'ng p'wedeng gawin.
Kabilin-bilinan ni Papa Mambs na 'wag papabayaan ang dalawa. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta ngayon, pero kanina pa sila umalis, magkakasama sila nila Papa Vipes.
Pakiramdam ko ay about 'to kay Tita, marahil ay nakabalik na siya o p'wede ring hindi. Baka nagkaro'n sila ng panibagong problema, kaya sila lang ang lumakad.
Naawa ako sa dalawang bata, dahil gaya ko ay wala rin silang alam sa nangyayari. Ang pinagkaiba lang namin ay siyempre Mama nila 'yon, kaya mas apektado talaga sila. Hindi naman sila p'wedeng sabihan na hindi na mag-alala, dahil hindi naman nga madali 'yon lalo't hindi pa tumatawag ang Mama nila mula pa no'ng umalis.
"Ano? Saan tayo?" tanong ni Bradley. Kanina pa 'to nagyayaya na umalis, pero hindi ako makapag-decide dahil wala pang reply sina Papa.
"Ayaw kong umalis eh, baka hanapin tayo."
"Ano ba sabi?"
"Dito lang daw eh," sagot ko.
"Okay," aniya sabay upo. "Sayang, ang ganda pa naman do'n ngayon kasi Sabado."
"Sa ibang araw na lang siguro?"
"Sure, nandito lang naman ako lagi eh."
"Si Manolo?"
"Nasa jowa niya," aniya habang tinatanggal ang sapatos. Ready'ng-ready pa naman siya ngayon. "Kaya nga nagyayaya ako eh, kaso bawal pala."
"Eh alam mo naman 'yong issue nila 'di ba?" Marahan siyang tumango bilang tugon.
Kahi hindi kami kasali ro'n ay damay pa rin kami, dahil nakadikit kami sa kanila. Malay ba namin, baka mamaya ay barilin na lang kami sa kung saan. Mas maigi na 'yong nag-iingat, dahil napakahirap magsisi sa huli. Base sa kuwento nila Papa ay matinik si Taipan, kaya hindi siya dapat ipagsawalang-bahala.
"So ano nang gagawin natin?" Wala akong maisip na p'wedeng gawin ngayon sa totoo lang. Ang gusto ko sana ay magtrabaho, pero hindi ko naman 'yon p'wedeng iuwi rito. "Luto na lang tayo? Paturo tayo kay Mama."
"Buti pa," sabi ko bago tumayo.
Good thing, lahat ng kailangan namin ay nandito na sa bahay kaya hindi na namin kailangang lumabas. Sopas ang naisipan nilang lutuin. Tumutulong din ang dalawang bata sa paghahanda ng pagkain, habang si Bradley naman ang naka-assign sa pagluluto. Wala kasi si Nanay Edna ngayon dito. Day off niya kaya nando'n siya sa kanila.
"Gusto niyo pizza roll?" alok ko sa kanila. Nakagawa na ako no'n dati at 'yon lang ang maio-offer ko dahil 'yon lang naman ang tanda kong gawin.
"Sige Kuya Rei," sagot ni Darlene. "'Yon 'yong may ham, right?"
"P'wede ring may hotdog, gusto niyo ba lagyan natin?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: