🏰DARLENE🏰
Wala pa rin ako sa mood magkikilos, dahil aminin ko man sa hindi ay apektado talaga ako sa kinalabasan ng lakad ko last time. I just realized na kahit gaano ka kagaling, lagi talagang mayro'ng mas magaling or nakahihigit sa 'yo. I guess 'yon ang hindi ko nabigyan ng pansin. Masiyado akong naging kampante dahil lang sa pamangkin ako ni Tita. Akala ko magagamit ko siya.
Still, okay na rin siguro 'yon, para hindi na kami mag-away pa ni Mama. I bet mas malulungkot siya kung nakapasok ako. Wala pa namang official announcement, pero feeling ko talaga hindi ako makukuha kasi ang gagaling talaga ng mga kasama ko. Literal na palakasan ang nangyari ro'n.
"Ilan ka sa quiz kahapon?"
"1.5," sagot ng kaklase ko. Nagtatanungan sila regarding sa quiz kahapon na na-miss ko nang dahil sa maagang pag-uwi.
Ngayon namomroblema ako kung paano ako magsasabi sa prof ko na magte-take ako. Napakasungit pa naman no'n at kilalang strikto. Hindi kasi 'yon nagbibigay ng special quiz, activity or exam—unless pang-finals 'yon.
P'wedeng-p'wede niya akong isingko ro'n, lalo't hindi ako nag-gawa ng excuse letter. Malay ko ba naman kasi na magku-quiz pala sila after ng lesson.
"Malas..." I couldn't help but say.
Ngayon ko napagtatanto na mali pala talaga ang ginawa ko, kaya ito—kinakarma ako. I should've told Mama 'bout this, para nakagawa sana ako ng letter. Hindi sana sumasakit ang ulo ko dahil dito.
"Wala pa bang prof?"
"Wala pa," sagot naman ng isa. Nag-umpisa na silang magreklamo, dahil kanina pa kami rito pero wala pang prof na pumapasok maski isa.
"My God, what the heck?"
"I should've stayed at home."
"Tara, gimik na lang tayo?"
"Saan?"
"May alam akong bagong bukas na bar."
"Oh tara na, do'n na tayo."
Nagsipagtayuan na sila at kinuha ang mga bag nila. Ang iba naman ay mukhang sa library ang diretso. Ang iba ay tulog at walang pake.
"Ikaw Darlene? Sama ka?"
"No, pass ako. Pupuntahan ko pa si Doc Riva." Kinuha ko na ang bag ko at lumakad na palabas ng room. Sumakay ako ng elevator para mas madali akong makapunta sa groundfloor.
Imbes na maglakad ay nagsasakyan na lang ako, gawa ng sobrang init. Doon na lang ako sa tapat ng building paparada. Hindi ko kasi alam kung nasa'n si Doc Riva ngayon, kaya sa office ko na lang siya pinuntahan.
Unfortunately, wala siya ro'n ngayon dahil may klase pa raw. No choice ako kun'di hantayin na matapos ang klase niyang 6 units, kaya mukhang matagal akong tutunganga rito.
Nag-decide akong magmerienda muna sa cafeteria. First time kong kumain dito, dahil hindi naman ako nagagawi sa part na 'to—ngayon lang. Malapit ang building na 'to sa College of Engineering kaya hindi ako nagpupunta. Karamihan kasi ay mga lalaki, so iwas na iwas ako.
Hindi naman sa ayaw mag-jowa, pero parang gano'n na nga. 'Yong lalaking nag-e-entertain kasi sa akin no'ng nakaraan ay ghinost ako. Nalaman ko na lang ay may jowa na pala. Little did I know, dalawa pala kaming tinatrabaho niya. Sadyang nauna lang sumagot ng 'oo' 'yong isa. Anyway, buti na lang at nauna siya. Buti na lang at hindi ko siya naikuwento kina Darylle, pero ang alam ko nakita niya na 'yon once, and thank God ulit dahil hindi na nasundan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: