Chapter 666: PANGHIHINAYANG

71 11 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Nakatulala ako habang hawak ang baso ng tubig. Hindi ko na alam kung paano lilinisin ang utak ko. Ayaw ko na silang pag-isipan eh, pero hindi ko kasi maiwasan. Kahina-hinala kasi talaga ang kinikilos nila, at hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito kabigat ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, may tinatago talaga sila.

No'ng una, galit sila sa akin, dahil kay Alex. Kataka-takang hindi man lang nila ako binugbog o ano, kagaya ng ginagawa nila sa ibang kalaban. Doon pa lang nagtataka na ako, pero naisip ko na baka dahil inalagaan ako ni Dos kaya gano'n. Siguro ay anak pa rin ang tingin niya sa akin?

Marahil ay gano'n nga...

Pero si Ate? Hindi ko akalain na pati siya ay lulusot kay Dos. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila at wala rin akong ibang alam na p'wedeng dahilan o kapalit para maabsuelto siya nang gano'n lang. Kilala ko si Dos, mula noon mabagsik talaga 'yan.

Pasimple akong naluha dahil sa kaba. Naisip ko na baka may balak sila sa akin, na baka pinasasakay lang nila ako. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako 'pag naiisip kong sila naman ang tatraydor sa akin.

Gulong-gulo na naman ang utak ko, dahil sa mga nakita ko. Pati ang pagiging busy ni Hermana tuwing gabi na dati ay hindi ko naman pinag-iisipan nang masama ay bumabagabag na rin sa akin.

Nakakabaliw...

"Bakit ka umiiyak?"

Naikuyom ko ang kamao ko nang makita kong nasa gilid ang ampon ni Hermana. Nakakainis lang dahil siya pa ang nakakita sa akin, sa dami ng tao rito. Sa kabilang banda, naisip ko ring p'wede na 'yan kaysa kay Nguso. Baka imbes na patahanin ay laitin pa ako ng batang 'yon.

"Kasi hindi ako masaya..." padabog kong sagot.

"Gusto mo nang umuwi sa inyo?" Lumapit siya sa akin at inagaw ang basong hawak ko. Siya ang uminom no'n.

"Ba't hindi ka kumuha ng iyo?"

"Tinatamad ako."

"Eh bakit ka nandito?"

"Wala ako—"

"Subukan mo, sasapatusin kita." Alam ko na ang isasagot niya, dahil nahawa siya sa pamilyang 'to nang kapilosopohan.

"Bakit? Masakit bang gawin sa 'yo ang ginawa mo sa iba?"

Hindi ko alam kung bakit tila nanghina ako sa sinabi niya. Iniisip ko pa lang 'yan kanina pero heto na, sinabi niya na sa akin. Masakit mang aminin ay gano'n nga ang totoo.

"Feeling close ka 'no?" pag-iiba ko sa usapan. Hindi naman siya umimik, sa halip ay tumayo at akma sanang aalis nang makaisip ako ng paraan kung paano ko malalaman ang kailangan. "Sandali lang," pigil ko. "Upo ka muna rito."

"Bakit?"

"Basta, mag-ge-getting to know tayo?"

"Hindi ako si Alex, kaya hindi mo ako mauuto."

Napalabi ako, dahil sa inis. Akala ko aalis na siya, pero naupo ulit siya sa harap ko. "Ano ba kasi 'yon? Dalian mo ah?"

Kung wala lang akong kailangan sa kaniya ay baka nakotongan ko na siya. Masiyadong maangas eh, 'kala mo naman cute. "Kilala mo ang mga Guerrero, 'di ba?"

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon