Chapter 664: TOO MUCH DRAMA

61 7 0
                                    

🏰SEAN🏰

"Ano ba? Dahan-dahanin mo naman!" reklamo ko, dahil talagang masakit ang pagkakasuntok sa akin ng lalaking 'yon.

D*mn him!

"Malikot ka kasi," ani Liezel.

Wala akong ibang p'wedeng puntahan kun'di dito sa bago niyang tinutuluyan. Kailangan ko siyang pagtiyagaan dahil hindi ako p'wedeng umuwi ng may barag ang mukha. Siguradong bubungangaan na naman ako ng Tatay ko. I'm tired of him. Ayaw ko na siyang makita, maski ang anino niya.

"Stop it, okay na." Hinawi ko ang kamay niya. Hindi naman yata eepekto ang pinag-gagawa niya kaya mabuti pang tigilan na. Kung anu-ano pang kaek-ekan ang nilalagay niya sa mukha ko.

"Ano ba kasing nangyari sa 'yo?"

"'Wag mo akong kausapin, nahihirapan akong magsalita." Umayos ako nang upo at isinandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa. Ang ilaw na nakapatay ang napagdiskitahan ko.

Natawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong may sasabihin na naman siyang nakakapika, kaya binalaan ko na siya gamit ang mata.

"Okay, sorry," aniya sabay naupo sa tabi ko. "Akala ko hindi mo na ako tatawagan eh."

"Wala lang akong choice Liezel."

"I know," aniya.

Pansamantala kaming nanahimik at nakatulong 'yon para ma-relax naman ang isip ko. Talagang hindi ako nakapagpigil kanina. Alam kong alam niya kung nasaan si Alex, pero kahit ano'ng gawin ko hindi niya sasabihin dahil bantay-salakay siya. He just couldn't admit it, pero pareho lang kami ng balak. Wala siyang karapatan magmalinis.

"Ano'ng gusto mong kainin?"

"Tsk," inis akong napailing. Sinabi ko nang 'wag akong kausapin panay pa ang tanong.

"Masakit ba?" Agad na lumapit sa akin si Liezel.

"'Wag kang magpanggap, hindi bagay." Hindi ko alam kung bakit naaalibadbaran ako sa kaniya. Pagdating ko pa lang kanina kung makayapos akala mo asawa ko eh.

"I'm sorry," aniya. Palihim ko siyang sinipat, dahil tila may sanib ang babaeng 'to at panay ang sorry sa akin. Hindi naman siya ganito dati. "Ayusin ko lang 'yong kama natin, okay? Buksan ko lang 'yong aircon."

Muli akong umaayos nang pagkakaupo. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Mommy na 'wag na akong hantayin dahil male-late ako ng uwi. Mamaya na lang ako pupuslit, dahil siguradong hahanapin ako ni Daddy kapag hindi ako umuwi. Madali lang namang magtago sa kuwarto. Ayaw ko lang din magkapanalubong ang init namin ng ulo dahil sa away na naman mauuwi 'to.

Narinig kong bumukas ang pinto, kaya alam kong nandito na si Liezel. "Halika na, matulog ka na."

"Uuwi na lang ako. Kaya ko na," sabi ko. Ayaw ko nang magpalipas ng gabi rito. Nagbago na ang isip ko. Hindi ako kumportable sa kinikilos niya.

"Why? Dito ka na lang, hindi ka okay."

"Liezel nasuntok lang ako. Hindi ako baldado."

"Just stay here, dito ka na lang muna." Nagulat ako nang bigla siyang yumapos sa akin. "Samahan mo na lang ako rito, please."

"Liezel mainit," marahan ko siyang pinalayo.

"Tara na ro'n sa loob, malamig do'n."

"Hindi na nga, I'm going home."

"Dito ka na lang kasi," inis niyang sabi. "Please baby, 'wag ka nang umuwi." She looked at me—straight in the eye.

"Got no time for your games."

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon