Chapter 638: ATTY. XANDER LUKE ALCANTARA

86 10 2
                                    

🏰LUKE🏰

Gaya no'ng nakaraan ay hirap akong makatulog, kaya naman naisipan kong bumaba dahil wala ang sasakyan nila Daddy. Hindi na rin ako nagulat nang makita ko si Lolo na nando'n pa; nasa labas pa rin kasi ang mga tauhan niya. Nagbabasa siya ng diyaryo at nasaktuhan kong sumisimsim ng kape.

"Lucas, bakit gising ka pa?" Kanina kasi ay pinaakyat niya na ako para matulog, pero hindi naman ako makagawa ng tulog.

"Lolo, I can't sleep." Ayaw kong magsinungaling dahil wala namang dahilan para sabihin kong 'di ako matulog. "Wala pa po ba sila Daddy?" Nagkunwari akong hindi alam na wala pa sila, kahit na ang sasakyan nila ang una kong sinilip kanina bago ako magdesisyong bumaba.

"They're not yet home. Nagkaro'n sila ng kaunting aberya."

Nangunot ang noo ko, dahil ala una na pala. Nag-alala ako bigla, dahil baka kung mapa'no sila sa labas. Mabuti sana kung 'di sila abogado, kaso alam kong marami silang kaaway.

"Pero safe naman po ba sila?"

"Yes they are, katatawag lang nila sa akin. 'Yong case ang problema nila, aside from that wala na."

Marahan akong napatango, kahit na hindi ako kumbinsido unless makikita ko sila mismo. Hindi ako mapakali, dahil nale-late sila noon pero hindi ganito na inuumaga na.

"Hindi ba nag-text sa 'yo ang Daddy mo?"

"Hindi po," I answered, pero napa-check ako sa phone ko at wala naman nga akong nakita.

"He might decided not to, 'cause I told him na tulog ka na nga. Ang aga pa, matulog ka na."

Paakyat na sana ako nang marinig ko ang ingay sa labas. Alam kong nando'n na sila Daddy, kaya sumilip pa ako ro'n sa bintana. Hindi na rin ako umakyat at sinalubong na lang silang dalawa.

"Hey... You're still up?" gulat na gulat ang Daddy nang makita akong gising na gising. "I thought you're..?" si Lolo ang binalingan niya, na nagkunwari namang abala sa diyaryong binabasa.

"I was." Yeah man, I lied. "I mean, how are you?" Mommy looked so exhausted.

"We're fine. Come here," niyakap ako agad ni Mommy.

"Matulog ka na 'My, hatid na kita ro'n." Kinuha ko ang gamit niya at hinawakan siya sa braso.

"Mauna ka na, paki-akyat na 'yan do'n. Mag-uusap pa kami ng Lolo mo."

Tumango ako at kinuha ang mga gamit nila Daddy. Hindi ko na muna sila inistorbo at dumiretso na sa kuwarto nila. Kinuha ko ang susi sa bag ni Mommy 'tsaka ko binuksan ang pinto para maipasok ko lahat ng gamit nila.

Do'n ko 'yon pinatong sa maliit na mesa kung saan ko nilalagay ang mga gamit nila. Hindi kasi ako p'wedeng basta-basta makialam, dahil mahahalaga lahat ng nandoon, kaya naman lumabas na ako kaagad pagkatapos kong iwan ang mga gamit.

Sa baba ako dumiretso, kahit na hindi ko sigurado kung p'wede pa ba akong tumambay do'n. Nang makarating naman ako ay hindi naman ako nasita, dahil abala sila sa pagkukuwentuhan.

"Tumawag nga sa akin, 'yon nga ang sabi nag-suicide daw. I don't know kung totoo o gawa-gawa lang. Hindi pa ako makapag-conclude, dahil biglaan nga." 'Yan ang naabutan kong ikinikuwento ni Daddy kay Lolo.

"You mean the model? Is now dead?"

"Yes, that's according to the police."

"If it's true na patay na siya, eh di mapapadali ang trabaho mo. Ngayon, kung nagpapanggap lang 'yan, diyan ka mahihirapan."

"Exactly," pagsang-ayon ni Daddy. "Hindi ko na alam, naguguluhan ako."

"Relax," tinapik ni Lolo ang balikat niya. "Pagpasensiyahan mo na, hindi lang talaga kasi ako makatanggi."

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon