Chapter 646: SETUP

72 7 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Nakat*nga lang na naman ako sa gilid at naghahantay sa wala. Hindi pa kasi ako bumabalik sa bahay nila Papá, dahil nahihiya ako. Ayaw ko na rin naman ng away, kaya ako na ang umiiwas. Wala na rin akong masiyadong iniisip dahil ang sabi ni Tío nakauwi na raw si Ate.

Kung ano ang pinag-usapan nila ni Papá ay hindi ko alam. Hindi na kami nagkita mula no'ng mag-usap sila at ipaiwan siya ni Papá. Ngunit may parte sa akin na gustong alamin kung ano 'yon. Hindi ako naniniwalang wala lang 'yon, dahil sa laki ng kasalanan niya kay Dos imposible na makaalpas siya nang gano'n-gano'n lang. May tinatago sila sa akin—'yon ang sigurado.

"Nasaan po si Mamaw?"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ng sutil kong ampon. Dali-dali akong humiga at nagkunwaring tulog. Ayaw kong paistorbo sa kahit na sino at isa pa, hindi pa ako handang humarap sa kaniya ngayon.

Wala pa man din ako sa kuwarto ko. Nandito lang ako sa sala at sa upuan nga nahiga. Hindi ko alam kung gaano ko katagal matatagalan ang pagpapanggap ko, pero bahala na. Siguradong mangungulit lang ang bubwit na 'yan.

"Hello Ma—"

Siya mismo ang huminto nang makita sigurong tulog ako. Kinabahan ako nang marinig kong palapit na siya sa akin.

"Tulog si Mamaw, Lolo."

"Naku, talaga 'yang Mamaw mo matigas ang bungo."

"Wala siyang kumot, malamig."

"Kuhaan mo ro'n sa taas."

"Inuutusan mo ba ako?"

Muntik na akong matawa nang sumagot ang Nguso ko. Talagang nakaka-proud ang ugali niya. Manang-mana talaga siya sa mga Guerrero.

"Opo, inuutusan po kita," sagot ni Tío. Nai-imagine ko ang hitsura niya habang nakataas ang kilay. "Alangan naman ako ang kumuha?"

"Bawal ba? Bahay mo 'to ah?"

"Ay bahala ka, hayaan mo na 'yang Mamaw mo na manigas sa lamig."

"Oo nga," ani Alex, kaya parang gusto kong bumangon at mangotong ng isip bata. "Kayang-kaya na ni Mamaw 'yan, malaki na b**bie niyan eh."

"Talaga ikaw..."

Napahagikgik ang ampon ko nang umakyat na si Tío sa taas. "Bakit ka pa nga ba magkukumot? Eh gigisingin naman kita." Bigla akong kinabahan nang lapitan niya ako. "Mamaw? Wakey-wakey!"

Natatawa na nayayamot ako sa ginagawa niya. Talagang itinapat niya pa sa tenga ko ang bibig niya. Siyempre, para maging makatotohanan ang pagpapanggap ko ay kunwari gumalaw ako't nagbago ng posisyon. Umungot-ungot pa ako para mas kapani-paniwala.

"Hoy Mamaw gising ka na." Ginalaw-galaw niya ako at pinaghahampas sa hita. Pigil-pigil ko ang sarili ko na hindi siya pigilan, kahit na nanggigigil na ako sa ginagawa niya sa akin. Para niya na akong binubugbog eh. "Isa, Mamaw!"

"Hoy, bakit mo ginigising 'yan?" tanong ni Tío na mukhang nakabalik na. "Ito kumutan mo."

"Hindi na, aalis na rin kaming dalawa."

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon