Chapter 625: CRUSHBACK

77 11 0
                                    

🏰SYDNEY🏰

Gusto ko nang pagalitan ang Chinoy na kahit na oras ng klase ay walang tigil sa kaka-update sa akin. Sa Instagram kami nag-uusap dalawa, kaya hindi ko mapatay-patay ang data ko kakahintay sa reply niya.

Nagkaklase pa rin sila ngayon gaya namin, kaya hindi ako makapag-reply sa kaniya nang maayos. Though nagsabi naman ako na hindi ako makakapag-reply nang sunod-sunod dahil kailangan kong makinig sa lesson. Malapit na kasi ang exam namin.

Naisip ko na kaya siguro panay ang chat niya dahil hindi kami nagkita kanina. Usapan kasi namin 'yon kagabi pa, pero hindi natuloy dahil nag-OT ang teacher namin kanina. Gusto niya ngang sabay kaming mag-lunch, pero tumanggi ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kina Darylle ang tungkol dito. Alam kong magugulat ang mga 'yon, kaya kailangan ko ring i-ready ang sarili ko.

This time parang sure na sure na talaga ako. Feeling ko kasi matino talaga 'tong lalaki na 'to. Alam kong hindi ako dapat magpaka-kampante, dahil kailangan kilatisin ko siyang maigi.

Hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko, dahil takot akong pumasok sa mga ganito ulit kasi na-trauma ako kay Ace, pero 'pag kausap ko si Yixing parang nakakalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'yon.

Rumurupok ako sa panata kong hindi muna magbo-boyfriend sa ngayon. Hindi ko yata 'yon kayang panindigan, lalo't na-crushback na nga ang Lola niyo.

Itinigil ko muna ang pagse-cellphone, dahil nakakahalata na ang katabi ko na kinikilig ako. Sinabihan na akong 'sa una lang 'yan masaya' eh. Nagkunwari na lang akong nakakita nang nakakatawang meme, kahit na hindi naman. Ganito nga yata talaga 'pag umiibig, nangingiti nang walang dahilan.

Naaktawan ko tuloy 'yong isang procedure, kaya naman napatanong ako sa katabi ko. General Mathematics pa naman 'to, kaya hindi talaga uubrang hindi ko itanong. Mamamali ako, 'pag pinabayaan kong hindi ko alam ang steps. 

"Okay sige," sabi ko. Sa wakas ay nakuha ko na rin ang sinasabi niya.

Nag-message ako kay Yixing na hindi muna ako makaka-reply, dahil baka ma-zero naman ako nito sa exam. Nag-focus lang muna ako, dahil mas malaking problema kung hindi ako makikinig. Hindi pa naman ako magaling sa self-study na 'yan—lalo akong tinatamad.

Nang matapos ang discussion namin ay ang cellphone ko kaagad ang dinampot ko. Napangiti na lang ako nang makitang 79 na ang unread messages ko.

Grabe talaga...

Hindi ba napapagod ang daliri niya kaka-type?

Agad kong in-off ang cp ko nang lumapit sa akin si Cassey. Nagyayaya na siyang kumain sa baba, dahil as usual gutom na naman siya.

Magugulat pa ba ako?

"Gutom na raw 'to," turo ko kay Cassey, kaya natawa na naman sila Kendrick. Lagi kaming natatawa kapag 'yon ang topic, kahit hindi naman namin alam kung bakit.

"Oh 'di let's go na," maarteng yaya ni Kendrick.

Napangiwi ako, dahil hindi pa ako nakakapag-liptint. Baka makita ako ni Yixing na ganito kapangit. Hindi naman ako makapagsabi na maglalagay muna ako no'n, dahil naninibago na nga sila sa akin. Hindi na kasi ako nag-gaganito lately, ngayon na lang ulit dahil in love na naman ako.

"Magulo ba 'yong mukha ko?" bulong ko kay Cassey. Nahihiya na akong magtanong sa kanila, kasi nga inasar na nila ako kanina, baka makahalata na.

"Hindi naman, magulo lang buhok mo."

"Talaga?" Dali-dali kong sinuklay 'yon gamit ang daliri ko. Nakakahiya naman kay Yixing, baka hindi na ako reply-an nito 'pag nakita niya ang hitsura ko ngayon.

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon