🏰LUKE🏰
Nakokonsensiya tuloy ako sa nangyari, kasi alam kong may nagawa akong mali. Maging sila Daddy ay problemado dahil sa pagkawala ni Alex dito, at sa palagay ko nga ay may kinalaman si Darylle, pero ayaw niya lang aminin. Ayaw ko naman siyang komprontahin, kasi wala akong ebidensiya. Pero pakiramdam ko talaga siya 'yon, dahil siya lang naman ang pinagsabihan ko ng tungkol do'n.
Ako tuloy ang namomroblema, pero wala akong ibang masisi kasi kasalanan ko rin naman talaga. Sinabihan na akong 'wag sasabihin kahit kanino, pero sinabi ko pa rin. Ako talaga ang may kasalanan, pero natatakot akong aminin.
Hindi ako mapalagay, dahil nagtatalo ang isip ko kung aaminin ko na ba o hindi. Ang iniisip ko kasi ay baka malaman din nila kinalaunan, mas lalo akong mapapagalitan 'pag tumagal.
What if hindi talaga si Darylle?
Nasabunutan ko ang buhok ko sa sobrang pag-iisip. Hindi talaga mangyayari 'to kung sumunod ako kay Daddy. Kung nakinig lang ako baka nandito pa si Alex sa amin.
"Luke?" tawag sa akin ni Yaya Eve. Kahapon pa nagkakagulo rito sa bahay, dahil labas masok ang mga katrabaho ni Lolo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila nandito.
"Po?"
"Kumain ka na."
"Mamaya na po," tanggi ko. Wala akong ganang kumain, dahil kinakabahan talaga ako.
"Ano ka ba? 'Wag mo nang hantayin ang parents mo. Dalian mo na, kain na rito."
Para walang away ay sumunod na ako, pero hindi gano'n karami ang nakain ko. Sakto lang 'yon para hindi ako gutumin mamaya. Umakyat din ako sa taas pagkatapos, dahil may pasok pa ako bukas. Gagabihin daw sila Mommy kasi marami silang gagawin.
Sinubukan kong matulog, pero hindi naman nangyari, kaya naabutan ko pa rin sila Mommy na dumating. Tapos na silang mag-dinner, dahil may sinabayan daw silang kliyente. Nagulat pa nga sila nang makitang gising pa ako, pero sinabi ko na lang na gumawa ako ng assignment at nauhaw kunwari.
"Ano'ng sabi ni Lolo?" nahihiya kong tanong. Sinikap kong 'wag magmukhang nakokonsensiya.
"Of course he's mad, kasi hindi malaman kung saan sisimulan ang paghahanap."
"Wala bang CCTV sa ibang bahay diyan?"
"Putol na ang mga linya."
"What?"
"I think pinaghandaan talaga ang pagkuha sa kaniya, kasi walang nakapansin maski isa rito. Aside from that, lahat ng CCTV na posibleng makahagip sa kaniya wala na rin eh."
"Is that posible?"
"Yes, nangyari na nga eh."
"I mean, ang galing naman nila kung gano'n." Hindi ako makapaniwala, pero baka may gano'n nga talaga. Sa dami ng nahawakan nila Mommy na case, lagi pa rin akong nagugulat 'pag may nalalaman akong mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ng normal na tao lang.
Pakiramdam ko tuloy ay mali na pinagdudahan ko si Darylle. Hindi ko yata dapat siya tinanong kanina, kasi parang lumalabas na pinaghihinalaan ko rin siya. Hindi ko na rin pala dapat sinabi ang ibang detalye.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: