🏰GLYDEL🏰
Pagkatapos kumain ay inutusan ko na si Nguso na maghilamos para makatulog na siya. Siguradong pagod 'to, dahil nagparalakad sa labas kanina. Ilang oras din siyang nawala kaya sigurado akong nagliwaliw 'to nang matindi sa labas kanina.
Si Hermana naman ay inaasikaso muna si Papá. Nagtatampo kasi sa akin ang Gurang sa hindi ko malaman na dahilan, kaya siya na lang daw muna ang mag-aasikaso. Hindi pa rin kasi ako kinikibo ng matandang 'yon. Nireregla pa rin yata siya.
"Mamaw, finish na." Lumabas na ang ampon kong palanguso. Suot na niya ang pantulog na ako mismo ang namili.
"Ang cute mo ah?" Lumapit ako sa kaniya at sinuklayan siya. Buti na lang at friends kami ngayon. Good mood din yata ang luka. "Humahaba na 'tong buhok mo ah?"
"Mamaw connected din ba 'yan sa lakas ko sa pagkain?"
Natawa ako. Hindi ko alam kung talaga bang siniseryoso niya ang sinasabi ko tungkol sa pagkain. Binibiro ko lang naman siya, pero parang kailangan ko nang hinay-hinayan ang pagbibiro tungkol do'n dahil parang naco-conscious na siya.
"Hindi ah? Bagay nga sa 'yo tumaba eh."
"Mataba talaga ako?"
"Hindi," mabilis kong sagot. Hindi naman talaga siya mataba, pero malapit na. Kaunting kembot na lang at papunta na siya ro'n. "Ang sexy mo nga eh."
"Mamaw naman eh, chinacharot mo lang ako."
"Hindi nga, bagay nga sa 'yo 'yang ganiyan."
"Ano'ng ganiyan? 'Yong mataba?" Hindi ako nakasagot, sa halip ay napahalakhak ako. Inis na tumayo si Alex at hinampas ako. "Bad ka Mamaw. Bully ka talaga."
"Ano ka ba? Naku-cute-an nga ako sa 'yo eh."
"Kaya pala nilalait-lait mo na lang ako ngayon."
"Sorry na, sorry na." Lumapit ako sa kaniya at inayos na ang buhok niya. Pagkatapos ay ibinalik ko na ang suklay niya sa kinalalagyan no'n. "Matulog ka na Alex ha? 'Wag ka nang magpuyat, magpahinga na."
"Ocakes..."
"Mag-e-aircon ka pa ba? Malamig na."
"Hindi na Mamaw, i-open sesame mo na lang 'yong window."
Bahagya kong binuksan ang bintana ng kuwarto niya. Maliit lang ang uwang no'n, sapat lang para mahanginan siya sa loob. Malamig na rin naman kaya tama na ang sariwang hangin sa kaniya.
"Oh kiss na kay Mamaw," sabi ko. "I-kiss mo na lang din si Ate. Sa akin mo na ibawi."
"Hindi na ba siya pupunta rito?"
"Pupunta, pero baka mamaya pa 'yon kaya i-kiss mo na lang sa akin 'yong kiss mo sa kaniya." Lumapit ako at sumunod naman siya sa sinabi ko. Tinadtad niya ng halik ang pisngi ko. "Good night," hinalikan ko siya sa noo at niyakap nang mahigpit. "Sorry," tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Tulog na ah?"
"Mamaw hindi mo ba ako tatabihan?"
"Ikaw talaga..." Mabilis kong iniayos ang unan sa tabi niya.
"Yehey..." Agad naman siyang yumakap sa akin "Love you Mamaw..."
"Love you too," reply ko. Hindi ako makapaniwalang ang laki-laki niya na talaga. Parang kailan lang ay ang liit-liit niya pa, ngayon ay sumasagot-sagot na sa akin. Tinapik-tapik ko ang hita niya, gaya nang ginagawa ko no'ng bata pa siya.
"Mamaw happy ka ngayon?"
"Oo naman," sagot ko.
"Gusto mo ma-trauma?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: