Chapter 661: BES

52 8 1
                                    

🏰CLARISSA🏰

Abala ako sa pagbabantay ng stock ko, dahil kapansin-pansin ang pagbaba nito no'ng mga nakaraan. Dahil sa dami ng problema ng pamilya namin ay napapabayaan ko na ang mga negosyo ko. At hindi ito maganda, sigurado akong mapapansin 'to ni Abuelo sa mga susunod pang araw.  Kaya bago pa niya ako maunahan ay aayusin ko na 'to at gagawan ng remedyo.

Sa mga nakalipas na araw ay laking pasalamat ko na wala nang nagtatalo o nag-aaway. Purgang-purga na ako sa sunod-sunod nilang bangayan, kaya naman enjoy na enjoy ko ngayon ang katahimikan dito sa Paraiso. Malaya kong nagagawa ang trabaho ko dahil walang istorbo.

"Tao po! Tao po ako!"

Napapikit ako nang biglang may kumatok nang pagkalakas-lakas sa pinto ko. Napakamot ako, dahil tila nausog ang nasa isip kong walang istorbo. At heto na nga, balak niya pa yatang sirain ang pinto ng kuwarto.

"Oh?" Talagang nasungitan ko siya nang wala sa oras, dahil hindi marunong kumatok nang tama.

"Hello Clarissa," aniya sabay pasok sa kuwarto ko.

Hindi ako makapaniwalang ang isa sa pinakaayaw ko ay nagagawa niya lang nang basta-basta. Ayaw na ayaw kong may pumapasok sa kuwarto ko, unless ako mismo ang nagsabi. Pero ang babaeng 'to, talagang kumportable siya kahit saan siya dalhin.

"Oh oh oh," saway ko dahil tinititigan niya ang laptop ko. "'Wag mong gagalawin 'yan, magagalit ako sa 'yo."

"Nititignan ko lang naman," aniya sabay nguso. "Ano 'yan?"

"Wala 'yan," sagot ko sabay lock ng pinto. Hindi talaga ako sanay na iniiwan 'yan na nakabukas.

"Weh?" Tinignan niya ako nang maloko. "Hahawakan ko 'to," panakot niya sa akin.

Nataranta ako at nagmamadaling lumapit sa kama ko, pero naunahan niya ako. Nahawakan niya ang laptop ko at inilayo 'yon mismo sa akin.

"Ikaw talaga..." Pinandilatan ko siya ng mata. "Okay, stock 'yan, ibaba mo na at baka may mapindot ka."

"Ano 'yong stock?"

"Basta, sa business 'yon, pagkakaperahan gano'n."

"Pera?!" Tila kuminang ang mga mata niya at dali-daling ibinalik sa akin ang laptop. Mabilis ko namang kinuha 'yon at chineck kung mayro'n bang nabago. "Paano 'yong stock? Ano 'yon?"

"Binibili 'yon sa ibang kumpanya, para kumita ka ng pera," seryosong sagot ko.

"May negosyo ka?"

"Malamang," sagot ko. "Lahat ng tao rito sa bahay ay may pinatatakbong negosyo, kaya nga kahit hindi kami umaalis ay nagkakapera kami."

"Gusto ko nang gano'n, 'yong kahit kain ako nang kain magkakapera ako."

"Mukbang ang bagay sa 'yo." Inayos ko muna ang files at pinagse-save 'yon. Mahirap na, baka kung ano na naman ang maisip ni Alex na kalokohan.

"Grabe ka naman, seryoso ako. Gusto ko ng negosyo, gusto ko nang maraming pera."

"Hindi basta-basta ang pagnenegosyo, Alex. Kailangan mong pag-aralan muna nang maigi ang tungkol sa bagay na 'yon bago mo pasukin, dahil kung hindi ay malulugi ka lang. Mauubos ang pera mo."

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon