🏰DARYLLE🏰
Malungkot akong umuwi ng bahay, dahil sa nabalitaan ko kanina. Nakakalungkot naman talaga, dahil kahit kakakilala lang naman nitong mga nakaraang buwan ay talagang napalapit na ako kay Alex. Akala ko hindi ko magagamay ang ugali niya. Parang ang bilis ng panahon, noong nakaraan lang nayayamot pa ako sa kaniya ngayon lalayas na siya. Sana lang magkita pa rin kami, kahit na lilipat na siya.
Habang pauwi ay naisip ko na baka kaya siya ililipat eh dahil kakaiba na ang ugali niya. Hindi na pang normal na school ang galawan niya. Baka nga na-realize na nila Tita 'yon at pinatapos lang ang Sports Fest.
Baka gano'n nga...
Basta ako, kung saan siya mas mapapabuti ro'n na lang. Para rin naman sa kaniya 'yon at hindi para sa ibang tao.
Nagulat ako nang maabutan ko si Mama sa bahay. Walang nabago sa hitsura niya, gano'n pa rin gaya kanina. Napalitan na ang benda niya, pero parang hindi naman nagpunta ng hospital.
"Ma," tawag ko. Hindi pa ako nakakapasok, nasa labas pa ako ng bahay namin. Nasilip ko lang siya rito sa pagitan ng mga railings ng gate.
"Oh?" Nagulat ko pa siya, dahil busy'ng-busy na naman sa halaman niya. "Saglit," aniya. Agad niyang in-off ang gripo at nanakbo papunta sa gate para buksan 'yon. "Ate mo?"
"Mamaya pa siguro 'yon." Napakamot ako, dahil nakalimutan ko lang talagang tanungin. Medyo na-excite kasi akong umuwi, dahil wala akong gana ngayong araw.
"Nag-email ako ro'n sa teacher niyo ni Alex." Binalunbon na ni Mama ang hose na ginamit niya.
Mabuti at siya na mismo ang nagbukas ng topic na 'yan. Kanina pa ako kating-kati na magtanong kung bakit parang biglaan naman yata.
"Oo nga raw po," sabi ko. "Ba't siya lilipat?"
"Eh kasi alam mo namang hindi tayo ang tunay na kamag-anak ni Alex 'di ba? So hindi tayo ang magdedesisyon para sa kaniya."
Napakunot tuloy ang noo ko. Ibig sabihin ba no'n, hindi si Tita ang may gusto na ilipat siya? Ang sabi kasi ni Mama 'yon daw ang sabi ni Tita.
"Nasaan ba kasi ang kamag-anak niya? Bakit siya pinapaalagaan sa inyo?"
"Mahabang kuwento," sagot niya sa akin kaya napabusangot talaga ako. Natawa ang Mama ko habang nakatingin sa akin. "Ikaw habang tumatagal nagiging usisera ka, kaya lumalaki 'yang mga mata mo eh."
"Ano namang connect no'n?" Nakurot ko na ang Mama ko, dahil pinagtatawanan niya ako. Change topic, change topic pa siya.
"Kumain ka na ro'n," aniya.
"Sagutin mo muna, Mama," nagmamaktol kong ani.
"Isa?" Pinandilatan niya ako ng mata kaya napatikom ang bibig ko. "Kain na ro'n."
"Opo," sabi ko na lang. Naisip ko na gumawa ng paraan para makausap ko si Alex. Ang kaso, hindi ko alam kung nasaan siya.
Gusto kong pumunta kina Tito David para malaman ko kung nandoon siya. As long as magkikita pa rin kami nang palangusong 'yon, wala namang problema.
'Yon din naman ang gusto ko eh—ang gumaling siya. Sana lang hindi magbago ang ugali niya, 'yong malambing, palaban at siyempre 'yong pagiging galante. 'Yan ang paborito naming katangian ni Alex, kaya siguradong maninibago kami kapag nakalipat na siya nang tuluyan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: