Chapter 621: YAYA GLYDEL

85 14 4
                                    

🏰ALEX🏰

Naririnig ko ang boses ni Mamaw nang magising ako. Mukhang nakikipaglaro siya kay Umbag, dahil panay ang tawa niya at tahol naman ng anak kong pangit na nga nagawa pang makipaglaro sa mas pangit sa kaniya.

"Ang noisy naman," reklamo ko kunwari. Napangiti ako, pero agad ding nagtaray-tarayan nang humarap sa kanila. "Ba't ka nandito?!" tanong ko kay Mamaw na ngayon ay hindi na makangiti. "Umbag dito ka nga! 'Wag ka ngang didikit sa kaniya, dahil 'pag nagkapalit kayo ng mukha lugi ka kasi ang pangit niya!" Lumapit sa akin ang anak ko na agad namang lumambing sa akin. "Mamaya mahawa ka pa ng kasinungalingan niyan eh!" kunwari ay pinalo ko ang aso kong hindi naman nag-react kasi nga fake lang naman ang hampas ko.

Namuo ang katahimikan sa pagitan namin ni Mamaw, kaya nakaramdam ako nang kakaibang bigat sa dibdib. Parang gusto ko nang mag-sorry, pero may pumipigil sa akin. Gano'n na nga siguro kalakas ang pride ko, para pati ang pagso-sorry ay hindi ko na magawa.

"Gusto mo bang kumain?"

Nataranta ako, dahil hindi ko alam kung paano ako magsasabing oo. Dapat kasi galit ako eh, pero baka tawanan niya ako 'pag umoo ako.

Yari...

"Ayaw!" nabasag ang boses ko, dahil talagang labag na labag 'yon sa loob ko.

"Sure ka?" nag-follow up question pa ang luka, kaya wala na finish na.

"Ayaw kong hindi kumain! Hindi mo kasi ako pinapatapos!"

"Sa akin ka pa talaga nag-inarte ah?" Walang emosiyon ang mukha niya nang tumayo at kunin ang cellphone. "Dito ka lang, tatawagin ko lang sila."

"Ayaw!" galit kong sabi, baka mamaya iwanan niya na ako rito. Magka-fight pa naman kaming dalawa. "Uutusan pa kita!"

"Bahala ka..." Hindi niya ako pinakinggan at dumiretso siya sa labas. Inis akong nagtitili, dahil pakiramdam ko alam niyang fake lang 'yong galit ko.

Ang fake-fake ko kasi eh!

"Umbag, dito ka nga." Kinandong ko ang aso kong wala na namang kamalay-malay. Hindi man lang magpa-cute sa Lola niya para naman hindi ako mukhang ewan dito. Alam naman niyang kaaway ko 'yon eh.

Hindi ko nga siya dapat kinakausap, dahil baka sa pagbabati kaming dalawa mauwi at hindi 'yon dapat mangyari. Dapat maghirap muna siya bago kami magkabati. Ay hindi pala kami dapat magbati.

"Pakilagay na lang dito," sabi ni Mamaw, ay Glydel pala nang makapasok. "Dito," sabi niya sa mga Sailor Moon ng bahay na 'to. Ang cu-cute ng mga outfit nila, parang gusto kong makigaya. "Sige na, p'wede na kayong lumabas."

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, binakbakan ko na agad ang mga pagkaing dala niya. Gano'n din naman ang sumada, kakainin ko pa rin 'to kasi wala naman akong choice kaya bakit ko pa patatagalin? Sabihin na niya kung ano ang gusto niyang sabihin pero wala na akong pakialam.

"Sarap," sabi ko. Hindi ko na alam kung ano ang kinakain ko, basta ang alam ko lang ay masarap lahat ng malalamon dito. "Kanin pa nga!"

"'Wag kang sumigaw, nasa harapan ka ng pagkain," saway niya. Napanguso ako habang sinasamaan siya ng tingin. "P'wede kang magsabi nang hindi sumisigaw."

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon