🏰ERIC🏰
Biyernes ng gabi nang magkasabay kami ni Papa na mag-dinner. Nagluto siya ng sinigang para ulam namin. Ngayon na lang kami ulit nagkasabay kumain ng hapunan mula no'ng magkaaway kami ng dahil kay Sean.
Mula rin no'n ay hindi naman na nagparamdam ang lalaking 'yon. Ni hindi ko nga rin siya nakikita sa campus. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang bagay na 'yon o ikabahala.
Kung sa bagay, kung magrereklamo siya ay handa naman ako. Nakuha ni Papa ang copy ng CCTV do'n sa parking lot. Kita ro'n na siya ang naunang nanuntok.
"Kain na tayo," yaya ni Papa.
Tinulungan ko na siyang maghain para makakain na kami. Hindi kasi ako nakatulong magluto dahil ang dami naming ipapasa na project next week. Exam week na kasi kaya sunod-sunod na ang deadline.
Naupo na kami at nagsimula nang kumain. Tahimik lang kami ni Papa dahil nakikinig siya ng balita sa radyo. Ako naman ay nagche-check sa GC. Ang sabi kasi ng lider namin ay maghantay na lang daw kami ng announcement kung tuloy kami sa kanila bukas. May tinatapos kasi kaming project.
Nang matapos ay nagligpit na ako at habang naghuhugas ay nag-pop up ang announcement ng group leader namin. Tuloy daw kami bukas sa bahay nila para tapusin ang model na project namin.
"'Pa?" tawag ko matapos maghugas. Nasa kuwarto niya na siya at nagpapalit ng damit. Sumilip lang ako sa may pinto.
"Bakit?"
"Alis ako bukas, may project kaming tatapusin."
"Ano'ng oras?"
"Umaga raw po."
"Oh sige," pagpayag niya.
Bumalik na ako sa kuwarto ko at do'n pinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ako masiyadong nagpuyat dahil maaga nga ang calltime namin. Alam kong hindi masusunod ang 7 na sinabi nila, but still sumunod pa rin ako.
I'm an athlete, kaya naman hindi ko ugali ang magpa-importante. Kapag sinabing ganitong oras ay susunod ako. Kahit pa alam kong hindi naman sila dadating on time ay sumunod pa rin ako. Sa Starbucks ang meet up naming lahat.
Gaya nang inaasahan ko ay ako pa nga lang ang nando'n. Ilang minuto pa ako naghintay bago dumating ang ilang member ng group namin. Anim kasi kami, tatlong babae at tatlong lalaki. Sa kasamaang palad ay wala akong kasundo sa kanila.
Agad kong napansin ang suot ng isa kong kaklase na babae. Hindi naman sa namba-bash pero parang hindi gagawa ng project ang attire niya. Naka-sando at shorts na saksakan ng iksi. 'Yong dalawang lalaki pa namin na kaklase ang kasama niya sa sasakyan na dumating.
Pumasok sila sa loob para bumili ng pagkain. Halos isang oras na silang late at hindi pa kami makaalis dahil 'yong isa naming kagrupo na tropa naman no'ng lider namin ay wala pa. Siya ang nakakaalam ng bahay nila kaya naman no choice kami kun'di hantayin siya.
Halos isang oras na naman ang lumipas bago siya dumating at gaya nitong isa ay pangmalakasan din ang damit niya. Napailing na lang ako habang nagdadaldalan sila. Hindi man lang makaramdam na kanina pa ako naghahantay dito.
Ewan ko ba, hindi naman ako ganito dati. Pero lately napapansin ko na nagiging bugnutin na ako. Parang ang bilis-bilis nang uminit ng ulo ko. Hindi na rin ako masiyadong nakikipagdaldalan.
"Tara na," yaya ng isa naming ka-grupo. "Ikaw Eric?"
"Sunod ako," sabi ko. Do'n sila lahat sumakay sa sasakyan ng kaklase ko. Pinauna ko na lang sila dahil sila naman ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: