Chapter 608: CHICKEN NUGGETS

95 15 3
                                    

🏰LUKE🏰

Buong gabi kong hinintay si Alex, pero himalang hindi siya dumating. Nang silipin ko siya sa kuwarto niya ay mahimbing na siyang natutulog, kaya 'di ko na inistorbo. Ako tuloy ang nahirapan matulog, dahil parang ako naman ang nasanay na nandito siya sa kuwarto ko nagpapalipas ng gabi.

Napag-usapan namin nila Mommy ang nangyari kahapon. Medyo ginabi sila nang uwi, dahil kinuha nila ang sasakyan ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanila nang maayos ang lahat, kaya wala naman talagang dapat sisihin. Sinabi ko rin na nabilinan ko na si Guiven, at sa tingin din ni Daddy ay hindi naman siya threat. Bata pa lang naman siya at bukod pa ro'n, madali lang naman kausapin sina Tita Izza kung sakaling magkakaro'n ng aberya.

Hindi naman namin p'wedeng isisi kay Yaya Eve ang nangyari, dahil unang-una hindi naman kasali sa kontrata niya ang pagbabantay ng bata. Hindi rin naman niya inasahan ang nangyari. Kahit ako ay gano'n din kaya naiintindihan ko siya. Malay ko bang matatandaan ni Guiven ang tungkol sa sinabi kong ghost.

Natawa na lang ako, lalo na nang maalala ko ang hitsura ni Wantawsan kahapon nang sumbatan niya ako about do'n. Parang natatawa siya pero naiinis talaga. Basta, nakakatawa ang expression niya. 'Yong gusto niyang magalit, pero naalala niyang kami ang may-ari ng bahay kaya hindi niya matuloy-tuloy.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, dahil nasabi ko na kay Darylle ang pinapasabi ni Alex. 'Yon nga lang, wala naman siyang reply. Balak ko pa naman sanang gamitin 'yon para makausap ko si Wantawsan mamaya. Pakiramdam ko kasi galit pa siya sa akin, kaya hindi niya ako dinayo sa kuwarto ko kagabi eh.

Hindi ko talaga alam kung tama ba ang ginawa ko, pero mukha naman kasing mapagkakatiwalaan si Darylle. Akala ko nga hindi ko masasabi sa kaniya ang totoo, dahil nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ba o hindi.

Kahit nasabi ko na kay Darylle ay mabigat pa rin ang loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may nagawa akong mali. Ginawa ko lang naman kung ano ang tama.

"Brader, may reaction paper ka na?" tanong sa akin ni Matthew. P'wede na kasi kaming mag-submit ngayon, pero p'wede rin namang sa Monday na.

"Wala pa akong nasusulat," sagot ko. Puro tuldok na nga 'tong papel ko, pero 'di naman umuusad. Mayro'n pa kaming natitirang one hour, bago ang uwian. "Ikaw ba? Magpapasa ka na?"

"Sana," sagot niya. Ipinakita niya sa akin ang gawa niya. Halos mapuno niya ang one whole.

"Sipag naman," sabi ko na lang. Imbes na ma-inspire ay lalo lang yata akong tinamad. Nakakawalang ganang magsulat, kasi ang utak ko ang laman ay uwian at weekends.

"Si Guione din yata sa Lunes na magpapasa eh." Naupo siya sa tabi ko, dahil bakante naman na 'yon. Nagsipaglipatan na ng upuan ang iba naming kaklase.

"Sa Lunes ka na rin," sabi ko, tutal wala pa namang nagpapasa sa amin. Bakante pa kasi ang lamesa eh. "Sumabay ka na sa karamihan, kasi baka mawala 'yang gawa mo."

Napatingin siya sa sinulat niya. Siguro ay nanghinayang din kaya itinupi na lang at ibinulsa. "Rewrite ko na lang 'to sa bahay, tapos dadagdagan ko na rin."

"Reaction paper ang gagawin, hindi novel."

Tatawa-tawa siya habang tinatapik ang bulsa kung nasaan ang reaction paper na itinupi niya. "Gala tayo? Friday naman eh."

Napaamang agad ako. Parang gusto ko kasing sumama, pero mas gusto ko ang manuyo ng babaeng may toyo.

Alin ba dapat ang unahin? Tropa o babae?

"Uy ano?" untag niya sa akin. Napakurap ako at napaisip muli. Hindi kasi ako makapili. "One," tawag niya sa kaibigan naming kagagaling lang sa labas.

"Oy?"

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon