Chapter 642: DUDA

109 13 0
                                    

🏰CLARISSA🏰

Rinding-rindi na ako sa kakaiyak ni Alex. Literal na sumasakit na nang husto ang tenga ko, dahil sa lakas ng pagngarawngaw niya. Hindi ko alam kung bakit ganiyan siya umiyak, eh p'wede namang tahimik na lang para hindi rin siya makaistorbo.

Hindi tuloy ako nakasama kina Mamá, kaya alalang-alala ako sa kaniya, dahil baka pinagtutulungan na naman siya ng dalawang 'yon. Mas pinili niyang pabantayan si Alex, dahil baka raw kung mapa'no. Hindi ko tuloy maiwan-iwan ang isang 'to.

"Ano'ng gusto mo? Pagkain?"

"Ayaw!" nagpapadyak pa siya habang nakahiga at tinatakpan ng unan ang mukha. Akala ko ay madadaan ko siya sa gano'n, pero mali—busog pa siguro siya.

"Laro tayo?" Kahit ayaw ay tinanong ko pa rin siya, deep inside ay kabadong-kabado ako na baka pumayag ang luka.

'Wag kang papayag!

Hindi ko na alam kung paano siya patatahanin. Mabuti kung bata siya na p'wedeng busalan ng tsupon ang bibig at ihele para manahimik.

"Ayaw!" aniya sa mas malakas na boses.

"Okay..." Suko na ako. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Buong akala ko magluluto na naman ako ng pekeng gulay.

Umayos ako ng upo at binantayan na lang siya. Bahala na siya diyan mag-iiyak, hihinto naman 'yan. Siguro dapat nagdala ako ng earphones or headphones bago dumiretso rito.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakatulala at nagsa-soundtrip sa iyak niya, bago siya kumibo. Hindi naman ako nasabihan na magko-concert pala siya ngayon, sana nakapagdala ako ng panakip sa tenga.

"Clarissa, tara rito..." nagpapaawa pa siya sa akin nang tumingin. Pulang-pula na ang mukha niya sa kaiiyak at pawis na rin.

Agad kong kinuha ang tissue at pinunasan ang mukha niya nang malapitan ko. Ayaw ko sanang sumunod, kaso baka umiyak lalo 'to. May pagka-brat pa naman siya. Para kasi siyang bata kung umasta, kaya ang hirap niyang kasama.

"Yakap..."

Napangiwi ako ng gawin niyang unan ang hita ko. Niyakap niya pa ang tiyan ko at sa wakas ay nanahimik na siya. Mukhang balak niyang matulog, dahil pumikit na at inunat ang paa.

Naglalambing ba siya?

Kahit inis ay hinayaan ko na lang siya hanggang sa hindi ko namalayan na sinusuklay ko na pala ang buhok niya gamit ang sarili kong kamay.

Gusto ko siyang husgahan, pero sino nga ba ako para gawin 'yon? Alam ko ba ang pinagdaanan niya? Wala ako sa tabi niya, kaya hindi ko siya p'wedeng husgahan nang gano'n lang kadali.

Naisip ko na baka nga may hindi siya magandang karanasan noon, kaya siya ganito ngayon. Kung maayos kasi siya, hindi naman siguro siya magkakasakit?

Mapait akong napangiti, dahil mas masuwerte pa pala ako. Masasabi ko kasi na maayos ang pagpapalaki sa akin, pero siya..? Ano nga bang ginawa sa kaniya? Bakit siya naging ganiyan?

Ilang minuto pa siyang nanatiling gano'n bago biglang bumangon. Ako naman ay hindi makagalaw, dahil pinulikat ang paa ko. Nagulat ako nang hawakan ni Alex 'yon at iniunat. Minasahe niya pa hanggang sa mawala at bumalik sa normal.

"Thank yow..." mahina niyang sabi. Himalang normal ang boses niya ngayon. Umupo siya at nanatiling nakayuko. "Mali ba 'yong ginawa ko?" maya-maya pa'y tanong niya. "Bakit kasi niya 'yon ginawa kay Tita?"

"Nasaktan siya sa ginawa ng mga kaibigan niya noon, Alex. Sana unawain mo rin."

"Rason ba 'yon? Para tablahin niya 'yong taong nag-alaga sa akin?"

HIM & I [SEASON 4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon