🏰ALEX🏰
Ngiting-ngiti ako nang imulat ko ang aking mga mata. Wala nang hihigit pa sa pag-gising nang ganito kaganda. 'Yong wala ka nang ibang iisipin kun'di ano'ng uulamin mo sa almusal, tanghalian at hapunan. Plus, mayro'n ka pang Lolo na kahit makunat na ang B ay saksakan naman ng yaman. Mayro'n din akong Bes na kahit gano'n ay gano'n na yata talaga. At siyempre, hindi natin kalilimutan ang dalawa kong Mama.
Sana all ako...
Mabilis akong bumangon at pinakain agad si Umbag. Naghilamos ako at naghanap nang maisusuot. Ang pinili ko ay 'yong maluwag, dahil kapag natatapos akong kumain ay sumisikip ang damit ko.
Nang makapili ako ay lumabas na agad ako ng kuwarto. Kataka-takang tila lumuwag ang ibang parte ng bahay, parang mayro'ng inalis do'n. "Ano'ng nangyari rito?" Parang mayro'n talagang naalis sa parteng 'yon.
Bumaba ako at dumiretso sa dining. Mas ikinagulat ko ang sunod kong nakita. "Walang pagkain? Walang kumakain?" Parang walang katao-tao roon maliban sa mga kasambahay.
"Señorita?"
"Oh?" Baling ko sa mayor doma ng mansiyon. "Sila Mama?" Imbes na sumagot ay kumurap lang siya. Maging ang iba niyang kasama ay parang walang narinig at nag-alisan pa nga ang iba.
"Kumain ka na?" Dumating na si Bes, kaya sa wakas ay makasama na ako.
"Hindi pa," magiliw kong sagot.
"Kain tayo," yaya niya.
Napangiti ako dahil parang ngayon niya lang ako niyaya nang ganito. "Sila Mama?" tanong ko, at doon ay nahagip ng mata ko ang orasan. "Sabi ko nga tanghali na pala," biglang kabig ko bago pa siya sumagot. Ala una na kasi.
"Kumain ka nang marami," aniya.
Nakangiti akong tumango. Mukhang okay na talaga kami ni Bes ngayon ah? Hindi naman pala siya kasing sama ng iniisip ko. Akala ko kapareho siya ng ibang ampon sa mga teleserye na mas makapal pa kaysa sa tunay na anak.
Ang binakbakan ko ay ang nilagang baka. Ang dami pang ibang putahe, pero ito talaga ang type ko dahil tamang-tama ang sabaw nito sa malamig na panahon dito sa Paraiso. Habang tumatagal ay nagugustuhan ko na rin dito, dahil hindi mainit at kahit walang aircon ay malamig.
"Kanin ka pa?" tanong ni Clarissa at tumango ako. Nararamdaman ko nang sumisikip na ang shorts na panloob ko.
Focus lang sa goal...
Siyempre, gaya nang dati ay hindi ko 'yon pinansin. Wala na akong pakialam kung magmukha na akong butete o balyena gaya nang sinasabi ni Mamaw, dahil cute pa rin naman ako.
Nang matapos kaming kumain ay tumambay kami ni Umbag sa entertainment room at nanood ng movie. Ang sabi ni Clarissa ay umalis daw sina Mamaw at hindi niya alam kung kailan babalik. Malulungkot na sana ako dahil hindi nila ako sinama, buti na lang at tinamad ako.
Sayang...
"Gusto ko ng fries." Nahawa ako sa bidang babae na kumakain ng french fries. Mayro'n pa siyang sundae kaya parang gusto ko rin no'n. "Gutom na naman yata ako Umbag." Tumayo ako at pinause muna ang movie. "Stay here Umbag ah? Maghahanap lang ako ng pagkain."
Dali-dali akong dumiretso sa pantry at naghanap ng makukutkot. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng ice cream pati cake. Buti na lang talaga, rich baby ako.
"Nakakatuwa itong isang apo ni Taipan, ang lakas kumain." Narinig kong sabi ng isang babae na abala sa paglilinis. Hindi naman ako nagalit, dahil hindi niya naman ako nilalait. Bukod pa ro'n, totoo naman na grabe ako humarupak eh.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 4]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED: